15. SANA IKAW NALANG ANG LALAKING MINAHAL KO

851 17 0
                                    

SANA IKAW NA LANG ANG LALAKING MINAHAL KO

Kung kailangan mo ng karamay
hawakan mo lang ang aking mga kamay
ang iyong kalungkutan ay lalaban natin ng sabay
sa bawat problema’y, huwag kang patatangay.

Itigil mo ang pag iyak, huwag ka ng lumuha
sayang naman ang ganda ng iyong mga mata
kung iiyakan mo lang ang taong sinaktan ka
halika’t ika’y lumapit, hayaan mong yakapin kita.

Bigyan mo sana ako ng permiso
na yakapin ka gamit aking mga braso
handa kong akuin ang sakit na nadarama mo
na para bang kaya nitong hilumin ang sugat sa iyong puso.

Hayaan mo sanang ipadama ko sa iyo
na hindi ka nag iisa, narito pa ako
handa akong maging panyo
na pupunas sa iyong luhang tumutulo.

Hayaan mong ako ang maging iyong unan
at ang aking dibdib ay iyong sandalan
iyan lang ang tanging alam kong paraan
na iparamdam sa iyong andito lang ako na handa kang damayan.

Ang mga mata mo'y iyong ipikit
Sandaling ang ating mga palad ay magdidikit
Ibubulong 'handa akong akuin ang lahat ng sakit'
Sa gayun ay makahinga ang puso mong bugbog sa pighati't sakit.

At habang ang mga mata mo'y nakapikit
Dahan-dahan akong napangiti ng pilit
Sa aking puso'y may kirot na umuukit
Hindi ko alam kung bakit ramdam ko rin ang sakit.

Na ang babaeng pinakamamahal ko
Na s'yang pinahahalagahan ko ng todo
Na ang babaeng ginawa kong mundo
Ay sinaktan lang at ginago ng isang tao.

At ng dumilat ang iyong mga mata
Biglang nagtama ang paningin nating dal'wa
Bigla kang tumawa habang lumuluha
At hindi ko inaasahang marinig ang mga katagang sa iyo nagmula.

Unti-unting sumikip ang dibdib ko
Bumilis ang tibok ng aking puso
Habang hindi makapaniwala sa sinabi mo
'Sana ikaw na lang ang lalaking minahal ko'.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon