"Ayoko ng rosas na binibigay mo."
"Ayoko sa mga tula na sinusulat mo."
"Wala ka bang damit na maayos?"
"Hindi ako sumasakay sa bike."
"Tingnan mo nga 'yang sarili mo."
"Mga gusto ko nga, hindi mo mabili tapos manliligaw ka pa?"
Binibini, hindi man ako kagwapuhan
Wala man akong maibalandrang sasakyan
Wala man akong mamahalin na kasuotan
Ngunit hindi iyon rason upang agad mo akong husgahan.
Sintunado man ako pagdating sa kantahan
Pareho mang kaliwa ang mga paa ko, pagdating sa sayawan
Salat man ako sa pera, pagkat hindi ako mayaman
Ngunit hindi pa rin iyon nararapat para ipahiya mo ako sa iyong mga kaibigan.
Pasensya ka na kung hindi ko sila matapatan
Sa paraan ng panliligaw, wala akong maipag mamayabang
Paumanhin kung ang kaya ko lang ibigay sa'yo
Ay ang isang kapirasong rosas at tula na ako mismo ang nagsulat.
Binibini, sa'yo ay mali pala ang aking pagkakakilala
Kung anong kinaganda ng iyong mukha
Ay siyang kinapangit at tabal ng iyong dila
Binibini, masyado ka yatang mapanghusga.
Binibini, huwag mong gamitin ang bibig para manlait
Aanhin ang iyong ganda kung ang ugali mo ay ubod ng pangit?
Huwag kang maiinsulto dahil ako ang mas nainsulto mo
Huwag kang manlait kung alam mong mas angat ka sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesiaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
