159. DULOT NG ATING KAHAPON

148 0 1
                                    


DULOT NG ATING KAHAPON

“Ang tula’ng ito ay para sa mga taong nais muling maka-bangon ngunit pilit pa’rin silang kinukulong gamit ang bakas ng kanilang mapait na kahapon.”

Pagmamahal
Na hindi nagtagal
Puso’y hinihingal
Isipan ay nais dumaldal.

Maraming tanong
Sa puso’y mayroong ibinubulong
Sa nakaraa’y pilit na ikinukulong
Sabik sa pag-ahon, kailangan ko ng tulong.

Puso’y pinaikot
Binahiran ng lumot
Damang-dama ang lungkot at takot
Dasal sa Maykapal na sana ito’y isa lamang na bangungot.

Ngunit hindi, mulat ang mga mata
Nais maging bulag, upang hindi makakita
Nais maging bingi, nang sa ganun hindi marinig ang mga sinasabi
Ayaw kong marinig ang sinambit mong na sya ang iyong pinili.

Iyon ang katotohanan
Na ayaw kong paniwalaan
Na ang tayo ay iyo nang pinagsawaan
Na ang tayo ay bigla mo nalang tinuldukan.

Tinuldukan
Tinuldukan ang pagsasama
Tinuldukan ang tayong dalawa
Pagkat, nais mong muling maging masaya
Hindi na sa akin kundi sa piling nya.

Winakasan
Winakasan mo nang walang pag-aalinlangan
Ang tagal nang ating pinagsamahan
Ni hindi mo inisip na may isang ako na nasasaktan
Na may isang ako na pilit na lumalaban
Na may isang ako na gumagawa ng paraan
Para lang maisalba
Para lang maisalba ang tayong dalawa
Ngunit sinabi mong napapagod ka’na
Na syang iki-binagsak nang aking mga luha.

Hindi ito totoo
Hindi totoong hindi na ako ang mahal mo
Hindi totoong nagsasawa ka'na
Hindi totoong mahal mo sya
Hindi totoong mas pinili mo sya kesa sa akin
Bumalik ka, at handa at kaya kitang patawarin.

Ngunit wala
Walang bakas na anino mo
Talagang tinapos mo'na ang tayo
Tuluyan mo’na ngang tinapos
Huwag mo akong igapos
Hayaan mo akong tangayin ng agos
Sa nakaraan nating dalawa
Tanggalin mo ang kandado at hayaan mo akong makawala.

Ayoko na
Ayoko nang umiyak
Itigil mo'na ang pagsaksak
Sa puso ko'ng bugbog na
Maawa ka
Tama na
Ang sakit-sakit na
Huwag mong kunin ang aking lakas
Hayaan mo akong makalabas
Bigyan mo ako ng pagkakataong makatakas
Sa nakaraan nating dalawa
Dahil pagod na akong lumuha
Pagod na akong magdusa
Hayaan mo'na akong maging masaya
Tama na.

Hayaan mo akong bumangon muli
Tanggalin mo'na ang aking pagkakatali
Tanggalin mo'na ang bakas ng aking pagbabakasakali
Pagbabakasaling maibalik ang dating tayo
Pagbabakasaling sa ngayon ako na ang piliin mo
Pero tama na, siguro
Hayaan mo nang bumangon ako
Hayaan mo akong makatayo
Hayaan mo akong makalayo
Hayaan mo'na akong maka-alis
Sa lugar na kay tagal akong nagtiis
Tama na, ayoko nang maghinagpis.

Hayaan mo akong makabangon
Hayaan mo akong makatayo
Hayaan mo akong makalayo
Hayaan mo akong makaalis
Sa nakaraan nating dalawa
Gusto ko nang makalaya
Gusto ko nang maging masaya
Ayoko nang lumuha
Ayoko nang masaktan.

Hayaan mo akong bumangon
Sa nakaraan ng tayong dalawa
Dulot nang sakit at pagdurusa
Hayaan mo akong bumangon
Na dulot ng ating kahapon.





SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon