Ang Relihiyon ay isa sa mga mahirap pag-usapan
Sapagkat magkakaiba ang ating pinaniniwalaan
Pero isa lang din ang ating kahilingan
Ito'y pagrespeto para sa ating kapayapaan.Magkakaiba man ang relihiyon na ating pinagmulan
Magkakaiba man tayo ng sariling pinaniniwalan
Magkakaiba man tayo ng mga opinyon at sinasambahan
Hindi ba't ang mahalaga nama'y hindi tayo gumagawa ng kasamaan?Hindi naman nasusukat kung saang relihiyon ka nagmula
Masusukat ito sa ating paniniwala't mga gawa
Sa kung paano mo tratuhin ang iyong Kapwa
Sa kung paano ka nagiging makatao sa iba.Kung magkaiba man tayo ng Diyos na sinasamba
Maging saludo tayo at ipagpatuloy lang ang magandang pagsagawa
Hangga't wala tayong tinatapakang kapwa
Ipagmalaki natin ang Relihiyon kung saan tayo nagmula.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PuisiPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat