16. OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO

904 19 0
                                        

OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO

Gusto ko sanang magtampo
Gusto sana kitang awayin, ora mismo
Gusto ko sanang ipaalam sa iyo
Na nasasaktan ako.

Na nasasaktan ako
Sa tuwing may kasama kang iba
Na naiinis ako sa'yo
Pero alam mo 'yon? Wala akong magawa.

Hindi ko kaya na makita kang masaya
Na hindi naman ako ang iyong kasama
Kapag ganon kasi may kakaiba akong nadarama
'Yong tipong gusto kitang pagalitan pero para saan naman di ba?

'Yong tipong gusto kitang sapakin
Sa tuwing ang mata mo’y hindi sa akin nakatingin
At ang ngiti mo'y hindi nakalaan para sa akin
At ang ganitong pakiramdam ay hindi ko kayang intindihin.

Makasarili na kung makasarili
Pero gusto ko, akin lang ang iyong mga ngiti
Na ako lang dapat ang dahilan ng iyong pagtawa
Na dapat sa akin lang nakatingin ang iyong mga mata.

Gustung gusto kong magreklamo
At sabihing nagseselos ako
Na minsa’y nakakaramdam ng tampo
Pero may karapatan nga ba akong magkaganito?

May karapatan ba akong magtampo?
May karapatan bang magselos ang puso ko?
May karapatan nga ba akong magreklamo?
May karapatan ba akong mainis kapag hindi ako ang kasama mo?

Wala akong karapatan
Wala akong karapatang masaktan
Dahil hindi ka naman akin
At mas lalong wala namang namamagitan sa atin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon