1. LIHIM NA PAGTINGIN

6K 97 17
                                    


LIHIM NA PAGTINGIN

Matagal na panahon ko na itong dala-dala
At hindi ko alam kung kakayanin ko pa
Kaya sa oras na ito, aamin na ako
Ngunit hindi natuloy dahil may sinabi kang nagpaguho ng aking mundo.

Sinabi mong may nililigawan ka
At nagpapatulong ka sa' kin para sagutin ka niya
Gusto kong tumanggi dahil alam kong hindi ko iyon kaya
Pero nakita ko sa mga mata mong tila’y pursigido ka.

Oo, pumayag ako sa gusto mo
Gumawa ako ng maliit na surpresa na para sa inyo
Buong kwarto niya, nilagyan ko ng pulang lobong hugis puso
Bawat parte ng ding-ding, dinikitan ko ng litratong magkasama kayo.
parang nananadya si tadhana
‘yong nililigawan mo, kaibigan ko pa.

Hanggang sa natapos na ang lahat
Agad mo akong niyakap at paulit ulit kang nagpasalamat
Hindi ko magawang tumugon sa yakap mo, napangiti lang ako ng pilit
Habang unti-unti akong nakakaramdam ng sakit.

Bakit ba kasi sa dinami rami ng pwede kong magustuhan
Bakit sa mismo ko pang kaibigan?
Ang labo mo naman, Kupido!
Pinana mo ako sa may iba ng ginugusto!

Isang araw, meron kang binalita
Balitang siyang nagpaluha sa aking mga mata
Agad ko ‘yong pinahid dahil bigla mong nahalata
At pinilit na ngumiti, masaya ako para sa inyong dalawa.

Lumapit ka mula sa pwesto ko
Tinanong mo ako kung bakit ako ganito
Paulit ulit akong umiling, wala akong sasabihin sa iyo
Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong nararamdaman ko.

Para saan pa kung aaminin kong gusto kita?
Wala namang magbabago hindi ba?
Bakit ko pa sasabihing gusto kita?
Eh kung ang balita mo na kayo na pa lang dalawa dahil sinagot ka na niya.
hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan.

Ngayon, ang araw na iiwasan na kita
Para saan pa’t meron ka ng siya
Siya na dahilan kung bakit ka masaya
Kaya kailangan ko na ring dumistansya.

Nagawa kitang balewalain

Ni hindi kita kayang kausapin
Kailangan kong tanggapin
Na hindi tayo pareho ng damdamin.

Ngunit isang araw, hindi ko inaasahan
Nasa kwarto kita at nakita ko ang mata mong luhaan
Agad mo akong niyakap at ako’y iyong nginitian
Ngiting alam kong sa likod nito ay kabaligtaran.

Tinatanong mo ako kung bakit ba kita iniiwasan
Tinatanong mo ako kung bakit hindi na ako sumisipot sa ating tambayan
Alam mo ba ang aking dahilan?
Nagagawa ko 'iyon dahil ako’y nasasaktan.

Lihim na nagseselos, lagi na lang umiiyak
Kaunting tawa niyo lang, para akong pakwan na unti-unting binibiyak
Yung puso ko na para bang iniitak
Pakiramdam ko ikaw ang dahilan ng aking pagkawasak.

Pero may sinabi ka
Mga salita mong sa akin ay nagpabigla
Papa anong hindi naman kayong dalawa?
Pero sa halip na sumagot ka, bigla ka na lang tumawa.

Tinitigan mo ang aking mga mata
Hindi ka pa rin nagsasalita
Bagkus ang ating mga palad ay iyong pinag isa
Tuluyan ng natulala sa'yo habang nagtataka.

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam
Mga kamay mo na muli kong nahawakan
Mga yakap mong aking nakasanayan
Ngayon ay muli kong naramdaman.

Ngunit parang biglang huminto ang aking paghinga
At dahan-dahang napatingin sa iyong mga mata
Nilapit mo ang mukha mo sa' kin at nakita kong napangiti ka
Bago mo sinabi ang salitang 'mahal kita.'

Paulit-ulit na napalunok dahil sa sinabi mong hindi pa rin ako makapaniwala
Mahal mo ako at dati pa
Kung ganun pareho pala tayo nararamdaman sa isa't-isa?
-ngunit bakit niligawan mo sya?

Pero natawa ako sa dulo
Bwisit kayong dalawa dahil plinano nyo pala lahat ng ito
Kaya pala ako pa rin ang inuuna mo
Kesa na dapat sya at hindi ako.

Ngayon ang araw na naging masaya ako
Dahil meron ng salitang tayo
Kung saan gagawa tayo ng pangalawang kwento
At sa pangalawang 'yun ang pamagat na ay ikaw at ako

Ikaw at ako
Ang dating mag-kaibigan
Ngayon tunay ng nagmamahalan
Ikaw at ako, tayo sa hanggang dulo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon