HUGOT PARA KAY CRUSH
Tiyak 'to na kapag ang crush mo ay nariyan
Bigla-bigla ka sigurong kakabahan
Pag-ngiti ng iyong labi hindi mo kayang pigilan
Ramdam ang pagpula ng pisngi mo kapag syaʼy iyong tinititigan.Ngunit sa hindi inaasahan
Dahil bigla kaming nagkatinginan
Pusoʼy parang nakikipagkarerahan
Mabilis na umiwas ng tingin at napapikit sa kahihiyan.Crush, dilim ka ba?
Kase sa tuwing dumarating ka
Wala na akong ibang nakikita
Ikaw lang ang gustong makita ng aking mga mata.Crush para kang buwan
Sobrang sarap titigan
Ngunit mahirap namang lapitan
Pero ang pagmasdan ka ay hindi ko pagsasawaan.At kapag hindi naman kita nakikita
Para akong nauubusan ng enirhiya
At ang aking mukha ay hindi maipinta
At ang kalagayan ay mistulang nawawala.Para akong telepono
At ikaw ang baterya ko
Ang araw ko ay nakasalalay sayo
Ikaw ang nagbibigay kulay sa aking mundo.Kapag hindi ka naman nasisilayan
Para akong halaman na hindi nadiligan
Inis ang tanging nararamdaman
Panlulumo sa aking pagkatao na hindi maintindihan.

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesiePatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat