66. 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗞𝗢 𝗦'𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡?

202 5 0
                                    

Sabi nila; Kung iniwan ka ng taong mahal mo, bakit mo iiyakan kung pwede mo namang kalimutan at palitan?

Iyan ang katagang madaling sambitin
ngunit napakahirap namang gawin
sa paanong paraan ko ba kakalimutan
ang taong mahal ko ng lubusan?

Mahirap kalimutan
ang taong ginawa mong mundo
mahirap kalimutan
ang taong minahal mo ng higit pa sa sarili mo.

Maraming nagsasabi sa akin
na kalimutan ko na raw siya
na kesyo marami pa naman akong ibang makilala
na may isang taong worth it daw sa pagmamahal ko
iyong pahahalagahan ako
pero kasi hindi naman ganoon kadaling limutin ang isang tao, hindi ba?

Napakahirap kalimutan ng taong sobra mong minahal.

Gustuhin ko man siyang kalimutan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan ko uumpisahan dahil sa bawat pagtakbo ng isipan ko, siya ‘yong naaalala ko.

Sa bawat paggising ko sa umaga, sa pagmulat ng aking mga mata, hindi ko mapigilang hanapin ang nakasanayan kong presensya niya.

Walang araw na hindi ako pinalampas ng lungkot, ng pagdurusa, ng pangungulila sa kaniya, pero bakit ganon? bakit kahit ang sakit-sakit na mahal ko pa rin siya?

Kaya sabihin nyo sa akin, paano ko ba kalilimutan ang taong minsang naging bahagi na rin ng buhay ko? na minsang naging bahagi na rin ng mundo ko?

Hindi niyo alam kung paano ang kagustuhan kong kalimutan na siya. Dahil ayoko ng masaktan, ayoko ng malugmok ako sa nakaraan, ayoko ng umiyak kasi pagod na ako. Pagod na pagod na akong hanapin kung saan ba ako nagkulang para iwan niya.

Pagod na akong hanapin ang sagot kung bakit niya ako iniwan. Walang araw na tinatanong ko 'yong sarili ko kung, ano bang kulang sa' kin? Kung ano bang kulang sa' kin para maghanap pa siya ng iba?

Hindi ba ako enough para sa kanya? Gumugulo sa isip ko na bakit kahit nasaktan niya ako, bakit mahal ko pa rin s'ya?

Kaya wag n'yong sabihin sa' kin na kalimutan ko na siya at palitan dahil hindi naman ganun kadali

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon