29. ORAS NA, PARA AKO RIN AY LUMAYO-SPOKEN

475 8 0
                                    


Anong gagawin?
Ito ba ay aking tatanggalin?
Puso ba’y pipigilin?
Pagkat ’di maiwasang kiligin
Para nang hihimatayin
Ngayong ikaw ay sa akin nakatingin.

Isipa’y panay ang katok
Puso na walang tigil sa pagtibok
Tila’y baril, putok ng putok
Di mapigilan ang mapalunok
Gusto kitang bigyan ng benteng suntok
Pagkat ang mata mo’y sa akin nakatutok.

At ika’y humakbang nang dahan-dahan
Ngumit ka ng walang pag-aalinlangan
Umusbong ang kaba’ng nararamdaman
Puso’y parang nakikipagkarerahan
At ng ika’y malapit na, ikaw sana’y kakawayan
Ngunit, ngunit hindi ko inaasahang ako ay iyong lalagpasan.

Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo
Ang kaninang walang humpay sa pagtibok biglang huminto
Ang kaninang tila’y nakikipagkarerahan ay mistulang natalo at nabigo
Kahit alam kong masasaktan ay lumingon pa’rin sayo
At naabutan kong ang kanyang kamay ay iyong hinawakan kasabay ng inyong paglayo.

Oo nga pala, bakit ba pilit akong umaasa?
Alam ko namang may gusto kang iba?
Mabilis kong pinahid ang tumulong luha
Ayokong indahin na nasaktan mo’na naman ako
Oras na, oras na para ako rin ay lumayo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon