BATANG INA
Sa isang iglap ang pangarap ko ay nawala
mga pangarap ko’y naglaho na parang bula
mga sandaling hindi na maibabalik pa
na siyang ikinasisisi ko ngayon ng sobra.para saan pa ang pagsisisi kung wala na?
kung wala nang magagawa ang pagluha
nabigo ko ang sarili kong pamilya
dahil sa pagkakamali ko’y naging problema ako sa kanila.ang tanging kaisa isa nilang pangaral
na dapat munang atupagin ay ang pag-aaral
huwag raw munang atupagin ang magmahal
sa pag-aaral, iyon daw ay ang malaking sagabal.ngunit hindi ko sinunod ang kanilang utos
sa pagmamahal, ako’y naging padalos dalos
ang magkaroon ng nobyo, ito’y isang sikreto
alam kong mali ngunit ito’y aking itinago.patago akong pumasok sa isang relasyon
kahit ito’y isang malaking obligasyon
at sa sobrang pagmamahal ko sa taong iyon
naibigay ko ang sarili ko, kaya ngayon.kaya ngayon, hindi ko na alam ang gagawin
pamilya ko ay galit na galit na sa akin
wala akong mukhang maiharap sakanila
sumabay pa na ang nobyo ko’y hindi ka nagpapakita.sa isang gabing pinagsaluhan naming dalawa
na siyang kailangan kong harapin lahat ng mag isa
ang sarili’y hindi ko kayang ipagtanggol
sa resultang ang tiyan ko ay may laman ng sanggol.kasabay ng galit sa akin ng pamilya ko
ay sya ring paglaho ng aking nobyo
sumabay pa ang mga pangarap ko’y gumuho
saan na ako pupulutin ng pagkakamali ko?hindi pa ako handang maging isang magulang
bilang ‘sang anak, marami akong pagkukulang
ang hindi pagsunod sa mga pangaral nila
kung kaya’t ikibinagsak ko ngayon ng sobra.ngunit maswerte pa rin pala ako
dahil muli akong tinanggap ng pamilya ko
magiging maayos raw ang lahat, ang sabi ni mama
hindi raw nila ako pababayaan at ang magiging apo nila.sa pangalawang pagkakataon
hindi hindi ko na sila susuwayin ngayon
makikinig na ako sa kanilang mga pangaral
dahil para sa akin din iyon at magbibigay aral.sa edad na labing anim, ako ay naging batang ina
resultang hindi ko pagsunod sa aking pamilya
kailangan ko siyang itaguyod kahit walang ama
para sa aking anak, ang mali ay gagawin kong tama.
![](https://img.wattpad.com/cover/162477604-288-k212763.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesíaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat