LOVE AT FIRST SIGHT
Nang dahil sa kaibigan ko
Nakita at nakilala ko ang tulad mo
Kaya naman nagpapasalamat ako sa kanya
Sapagkat ngayon, puso ko'y umaapaw sa sobrang saya.
Uumpisahan ko
Istoryang tungkol sa pagtibok ng aking puso
'Love at first sight' kung tawagin
Yan 'yong aking naramdaman no'ng sayo ako'y napatingin.
May 'slow motion' na naramdaman
Lahat ng mga galaw ay tila ba'y nagdahan dahan
Napatulala sa kakisigang taglay mo
Na para bang ikaw at ako lang ang nag eexist sa mundo.
Kinulit ko si Kaibigan
At sinabi ang aking nararamdaman
Ngunit isang bagay ang hindi ko inaasahan
Na sa puso mo’y meron na palang nilalaman.
Ngunit salamat pa rin sa kaibigan ko
Dahil tinutulungan niya akong mapalapit sa'yo
Na kahit sa maliliit lang na paraan
Na s'yang labis sa aking nagbibigay kasiyahan.
Ngunit hindi rin pala madali sa umpisa
Kase walang ako sapagkat meron ng siya
Subalit nagulat sa balitang wala na kayong dalawa
Masama bang makaramdam ako ng kaunting tuwa?
Hanggang sa naging malapit na nga tayo
Nakakatuwa na ako ang kasa-kasama mo
Nakakangiti ka’na ulit na ang dahilan ay ako
Kaya mas lalo nahuhulog sayo mula pababa hanggang sa hindi na ako makatayo.
Unti-unti kitang minamahal ng palihim
Subalit natatakot parin akong umamin
Ni wala akong lakas na loob para sabihin
Dahil baka layuan mo ako at hindi ko yun kakayanin.
Walang araw na lagi tayong nag-uusap sa telepono
Hanggang sa china-chat mo’na rin ako
Kilig sa aking dibdib ay hindi ko maitago
At mga tili ay pilit na ginagawang pabulong nalang at inaako.
Ngunit hindi ko’na talaga kinakaya
Nagtapat ako sayo ng aking nadarama
Nakayuko pagkat ayokong makita ang reaksyon mo
Pero hinawakan mo ang baba sabay itinapat mula sayo.
Pisngi kong namumula at luha ay patulo na
Sa nakita kong walang ekspresyon sa iyong mukha
Napapalunok dahil hindi ka parin nagsasalita
Kaya dahan dahan akong umatras ngunit agad mo’rin akong hinila.
Ginulo mo ang buhok ko
Na syang tuluyang nagpatulo sa luha ko
Kaya ayaw na ayaw kong umamin sayo
Dahil baka ikaw lang ay malito.
Nagtaka dahil pinunasan mo ang aking luha
Biglang ipinantay mo ang ulo mo sa aking mukha
Umiling ka ng ilang beses na syang sa aki’y nagpa-kaba
At hindi ko inaasahan ang iyong biglaang pagtawa.
Ang naramdaman kong kaba
ay mistulang napalitan ng inis
Inis dahil nakuha mo pang tumawa
Samantalang ako, eto naghihinagpis.
Ngiti sa labi mo’y hindi mawawala
Na syang lubusan kong ipinagtataka
Nilapit mo sa akin ang iyong mukha
Sabay bigkas ng salitang hindi ako makapaniwala.
'Mahal rin kita'
Yan ang sinabi mo dahilan para ako’y mapahikbi na
Tumawa ka ng malakas ngunit nagseryoso ka’rin bigla
At dito nga nag-umpisa ang kwento nating dalawa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
Thơ caPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
