NASAKTAN KA, PERO DAMAY KAMI?
Oo, aaminin ko
Na minsan na akong nagkagusto sa'yo
Minsang napahanga sa kagwapuhang taglay mo
Pero agad ding nawala dahil sa may nalaman ako.Nalaman kong pinaglalaruan mo
Ang mga babaeng nagkakagusto sa'yo
Ni minsan hindi mo nagawang magseryoso
Na para bang ang lahat sa'yo ay isa lamang na laro.Anong tingin mo sa mga babae? Isang damit?
Na kapag sawa ka na, bigla kang magpapalit?
Ni hindi mo iniisip na ika’y makakasakit?
Tapos aakto kang parang biktima na nakaranas ng sakit at pait.Kahit isang beses, wala kang pinalampas na tao
Dahil nga ba ito sa nakaraang minsan kang naging totoo?
Na minsa’y nawasak at nagdusa ang iyong puso?
Na may isang babaeng ginawa mong mundo.Nalaman kong nagmahal ka na ng isang babae
Binigay mo daw ang lahat pero sa dulo iniwan ka lang sa ere
Kaya ba ganito ang ginagawa mo at ika’y gumaganti?
Para saan pa kung hindi naman na pwedeng ibalik ang dati?Nalaman ko ring iniyakan mo sya ng sobra
Binigay mo ang lahat para hindi na sya maghanap ng iba
Ginawa mo ang mga bagay na syang binabalewala lang nya
Kaya ito ba ang kinalabasan dahil minsan ka na palang nagmahal pero iniwan nalang basta?Hindi pa naman huli, para magbago
Darating ang araw na ikaw mismo ang magpapakatotoo
At kapag nahanap mo ang babaeng para sayo?
Sisiguraduhin kong magiging masaya sya kasama mo.Kaya pala nagbago ka kase raw minsan kana palang nasaktan
Pero hindi ibigsabihin nun paglalaruan mona kame dahil wala kaming kinalaman
Walang kaming kinalaman kung bakit iniwan ka nya
Kaya sana kapag nasaktan ka wag na wag mong idadamay ang iba.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PuisiPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat