SELOS
Diyan ako lumuha ng patago
Umiyak hanggang ang mata’y mamugto
Pinipilit ko na huwag magpa apekto
Dahil ayokong mag away na naman tayo.Diyan ako nakaramdam ng inggit
Sa kaibigan mo na sayo’y malapit
Ang pagselosan siya’y hindi sa iyo binabanggit
Dahil ayokong ika’y sa aki’y muling magalit.Diyan ako nasaktan ng hindi kumikibo
At hindi ko iyon sinasabi sa iyo
Dahil ayokong mauwi na naman tayo sa pagtatalo
At ipapamukha mo sa akin na 'kaibigan mo lang siya at ako ang mahal mo.'Oo, kaibigan mo siya
Ngunit iba ang binubulong ng iyong mga mata
Dahil ang pakikitungo mo sa' kin at sa kanya ay magka iba
At iyon ang aking labis na ikinababahala.Sa kung paano mo siya pagmasdan
Sa kung paano mo siya ngitian
Sa kung paano mo siya pagsilbihan
Tawagin mo man ako ng praning pero iba ang dating no'n sa' kin.Normal lang na magselos ako
Normal lang na magkaganito ako
Hindi dahil sa wala akong tiwala sa'yo
Dahil hindi ko maiwasan 'yon kahit anong pigil ang gawin ko.Alam kong mali ang pagselosan ko siya
Dahil sabi mo nga 'magkaibigan lang kayong dalawa'
Na huwag kong bibigyan 'yon ng malisya'
Kaya ang ako ay di dapat na mangamba.Mangamba, ako ay tuluyang nangangamba
Hindi ko alam kung bakit kinakain ako ng selos pagdating sa kanya
Siguro takot lang ako na 'yong atensyon mo ay maagaw niya
Siguro takot lang akong mawala ka kasi mahal na mahal kita.Pero gusto ko lang na malaman mo
Na nagseselos ako hindi dahil sa ayaw kong may kahati sa'yo
Nagseselos ako dahil mahal kita
Nagseselos ako dahil normal lang naman ito di ba?Dapat nga bang may ikaselos ako sa inyo?
Dapat nga bang mapanatag ang puso ko?
Dapat nga bang hindi ako mangamba
Sa tuwing magkasama kayong dalawa?Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na 'iwasan mo siya'
Wala akong karapatang papiliin ka kung 'ako ba o siya'
Ayokong pumagitna sa pagka-kaibigan niyong dalawa
Dahil alam ko namang kesa sa akin siya 'yong mas nauna mong nakilala.Kaya susubukan kong huwag magpakain sa selos ko.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesiaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat