HINDI NAMAN MASAKIT
Hindi malaman ang gagawin
Pagkat ikaʼy sa akin nakatingin
Umuusbong ang damdamin
Hindi maiwasang kiligin.Nasilayan ang iyong mga ngiti
Kung kayaʼt ramdam ang pagpula ng pisngi
Sa loob-loob ay malakas na tumitili
Lakas ng tibok ng puso ang kumukubli.Ngunit biglang nataranta
Nung magtama ang ating mga mata
Papalapit ng papalapit ka na
Kayaʼt ako ay nagiging balisa.Naghahari ang kaba
Ang puso ay nagwawala
Namumungay ang mga mata
Ngunit lahat ito ay nawala na parang bula.Tumigil ang pag-ikot ng mundo
Nawala ang ngiti sa labi ko
Parang tumigil sa pagtibok ang puso
Nang ako ay biglang nilagpasan mo.Nilagpasan na para bang hindi nakita
Napayuko pagkat nadismaya
Nanlulumo at parang tinakasan ng hininga
Nilagpasan mo ako at naiwan akong tulala.Lumingon pa rin ako kahit masakit
Naabutan kong niyakap mo sya ng mahigpit
Pinili ko pa rin na ngumiti kahit pilit
Iniinda sa sarili na hindi naman masakit.Tumalikod ako mula sa inyong dalawa
At doon lang nag-unahan ang mga luha
Mabilis ang paghakbang at nais kumawala
Nais kumawala sa sakit na nadarama.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesíaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat