34.

364 9 0
                                    


Matagal na panahon
na kitang minamahal
k

inulong ko ang puso ko para sa iyo
at ang paghihintay ko ay may permiso mo.

Tatlong taon kong iningatan
ang pagsintang ito
tatlong taon akong naghintay
sa pagbabalik mo.

At ngayong andito ka na
hindi ko magawang maging masaya
sapagkat bumalik ka nga
bumalik kang may kasamang iba.

Ano iyon?
paano mo nagagawang ngitian ako
na kausapin ako na parang wala lang
na para bang wala kang alam.

Alam mo na mahal kita
alam mong may isang ako
na naghihintay sa iyo
ipinagtapat ko iyon
bago ka umalis noon.

At sinabi mo sa akin
na hihintayin mo rin ako
na sa araw ng pagbabalik mo
mayroon ng ikaw at ako.

Mahigit isang taon na rin ang nagdaan
Ngunit bakit hindi pa rin kita makalimutan?
Bakit ginigising pa rin ako ng ating nakaraan?
Bakit sa tuwing naaalala ka; ako pa rin ay nasasaktan?

Siguro dahil sa minahal kita ng totoo
Walang takot at pangamba, walang bakit o paano
Tunay at puro ang pag-ibig na inilaan ko sa iyo
Kaya siguro hanggang ngayon, hirap pa rin akong makalimot, mahal ko.

Pumiglas ka sa pagkakatali nating dalawa
Bakit hindi mo ako pinakinggan nung ako'y nagmamakaawa?
Hindi ba nangako ka sa hirap at ginhawa
Na tayo pa rin hanggang dulo pero bakit hindi mo nagawa?

Bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin?
Pangalan mo lagi ang isinisigaw ng aking damdamin
Ikaw pa rin hanggang ngayon at hindi ko magawang tanggalin
Kahit anong gawin ko sadyang mahirap pilitin.

Bakit hanggang ngayon, ikaw parin kahit para sayo ay hindi na ako?
Hindi na ako dahil meron kana agad na bago!
May bago kana samantalang pinanghahawakan ko parin ang pinangako mo
Nangako kang ikaw lang at ako.

Ikaw at ako, sabi mo hindi maghihiwalay
At ikaw ang kakapit kapag bumitaw ako sa iyong kamay
Halik at higpit ng yakap mo ang laging inialay
Binigkas mo ng paulit-ulit ang pagmamahal mo para sakin na walang makakapantay.

Bakit hanggang ngayon, ikaw parin?
Ikaw parin kahit matagal na tayong tapos
Kailangan ko naring makagapos
Makagapos sa pagmamahal mo na unti-unti nang nauubos.

Susubukang kalimutan ang nakaraan
Nakaraan nating sa una mo lang pinahalagahan
Na yung sinasabi mong wagas ay hindi man lang umabot ng ilang buwan
Pipilitin ang sarili na kalimutan ka para hindi na masaktan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon