Mahal kita
Kaya sa kung saan ka sasaya
Magiging masaya na rin ako
Ipapaubaya na kita sa bagong mahal
mo.Huwag kang mag alala
Piliin mo lang na maging masaya
Ako na ang bahala sa sarili ko
Masakit pero pipiliin kong maging
masaya para sa inyo.
Ipapaubaya kita sa kanya
Kahit na mahal kita
Dahil anong saysay ng pagmamahal ko
sa'yo
Kung hindi ka na masaya sa piling ko?Masakit kasi hawak ka na nang iba
Pero kaya ko 'to dahil mahal kita
Bukal sa loob kong ipaubaya ka sakanya
Pero sa oras na sinaktan ka nya, pangako
-babawiin kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/162477604-288-k212763.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PuisiPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat