Sa mundong ito
Dapat sanay na tayo
Na walang taong perpekto
Pero may mga mapanghusgang tao.Ika nga sa kasabihan
Na kapag ika'y kanilang hinuhusgahan
Pasok sa kaliwang tenga at labas sa kanan
Huwag mo silang pansinin at pakikinggan.Hindi talaga natin iyan maiiwasan
May mga tao talaga na pilit kang sisiraan
Mahilig silang manlait
Hindi nila iniisip kung sila ba'y makakasakit.Huwag na lang tayong magpapa apekto
Kung alam nating hindi naman totoo
Hayaan na lang natin sila
Mga kinulang lang talaga sila sa aruga.Kung wala silang ibang ginawa kundi ang husgahan ka
Ang sarili ay iyong ikalma
Huminga ka ng malalim at ipikit ang iyong mga mata
Tandaan, sa galit ay huwag kang padadala.Hayaan mo sila, mapapagod din ang mga 'yan
Huwag na huwag mo silang papatulan
Basta alam mo sa sarili mong wala kang tinatapakang tao
At hindi naman nila alam ang kwento ng buhay mo.Alam mo ang magandang panlaban sa mga taong mapanghusga? Pande deadma. Matuto kang mawalan ng pakialam sa mga taong nasa paligid mo. Huwag kang magpapa apekto sa kanila kung alam mo namang walang katotohanan ang mga paninira nila sa'yo. Pero dapat matuto ka rin na lumaban, huwag mong hayaan na apihin ka at dumihan nila ang pagkatao mo. Lumaban ka kung alam mong ikaw ang nasa tama.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoetryPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat