86. Ang babae sa salamin

195 0 0
                                    


Nakamasid ako sa salamin
tahimik; walang ingay na maririnig
nasilayan ko ang isang babae
magulo ang kanyang buhok
halatang hindi maganda ang lagay niya.

Mga mata niyang kapag tinitigan ko
nararamdaman ko ang lungkot nito
halatang galing siya sa pag-iyak
halatang walang maayos na tulog;
ayos lang ba siya?

Hindi man siya nagbibitaw ng salita
naririnig ko ang mga tinig na nais kumawala sa kanya
ramdam ko ang bigat sa puso niya
sa bawat hininga na kanyang pinakakawalan.

Nagtaka ako
dahil nakita ko ang pagluha niya
kasabay ng pagpahid ko sa aking mga mata
at doon ko lang napagtanto
na ang babae sa salamin
ay ako pala.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon