3. ALA-ALA

2.1K 36 4
                                    

𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗟𝗔
noong panahon na ika’y kasa kasama pa.

Dalawang buwan na ang lumipas
Simula no'ng maghiwalay ating mga landas
Naiwan ako; iniwan mo akong mag-isa
Mag-isa kong tinatahak ang buhay na dapat kasama ka.

'Yong mga pangarap at plano natin
Mag-isa ko na lang iyong tutuparin
Kasi kahit wala ka na sa tabi ko
Tutuparin ko pa rin ang mga pangako na ating binuo.

Ngayon, andito ako
Sa lugar kung saan una tayong nagtagpo
Habang hawak ng mahigpit ang litrato mo
Kasabay nito'y muling naglaro ang luha sa mga mata ko.

Sumabay ang malamig na ihip ng hangin
Pakiramdam ko ika'y sa akin nakatingin
Mahal, maari mo ba akong yakapin?
Dahil hanggang ngayon, ang hirap pa rin tanggapin.

Ang araw na ito, ang pangatlo nating anibersayo
Ngunit ito ang unang beses na wala ka sa tabi ko
Lahat ng mga bagay na nakasanayan ko na sa'yo
Pawang bulang biglang naglaho.

Mahal, may cake nga pala akong dala
Paborito natin itong dalawa di ba?
Eto na oh, sakto na 'yong pagkaka bake ko
Paano ba naman kasi, ang galing magturo.

Mahal, pwede mo ba akong subuan?
Iyon na kasi ang aking nakasanayan
Paano, lagi mo na lang akong pinagsisilbihan
Parati mo akong inaalalayan at inaalagaan.

Unti-unti ng lumiliit ang kandila
Marami-rami na rin ang mga tala
Gusto kong ngumit pero hindi ko magawa
Gusto kong maging masaya pero hindi ko kaya.

Mahal, gusto kang makita ng mga mata ko
Gusto kong maramdaman muli ang mga yakap mo
Gustong kang marinig ng mga tainga ko
Ang boses mo na napapakalma ako.

Kahit sandali lang, pwede ba?
Pwede bang magpakita ka?
Nangungulila na kasi ako
Miss na miss ko na 'yong presensiya mo.

Mahal, hindi na ako maiinis kapag kumakanta ka
Hindi na ako mapipikon kapag nang-aasar ka
Mahal, hindi na kita uubusan ng almusal kapag tinanghali ka ng gising
Titirahan na rin kita ng paborito mong saging.

Pero alam mo mahal,
Ngayon unti-unti akong nagiging masaya
Kase nakikita kita sa kanya
Siya 'yong lalaking kuhang kuha ang iyong mukha
Mula ilong, labi, pisngi lalo na ang mga mata.

Mahal, sayang lang
Kasi wala ka na sa tabi ko no'ng siya'y aking isilang
Nawala ka man sa aking piling
Binigyan mo naman ako ng kamukha mong supling.

Mahal, dadalhin ko rin siya dito, wag kang mag alala
Sa ngayon tayong dalawa lang muna ang magkasama
Happy 3rd Anniversary, mahal ko
Kahit wala ka na, mananatili ka sa puso't ala-ala ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon