186. BAKIT HINDI AKO?

126 3 0
                                        



Bakit hindi ako?

Hindi pala sapat,
na nasa tabi mo lang ako
kapag meron kang kailangan
o kung nais mo ng makakasama.

Hindi pala sapat,
na handa akong maging panyo mo
sa tuwing umiiyak ka
dahil sa bigat ng iyong problema.

Hindi pala sapat,
ang mahigpit kong yakap
para maiparamdam lang sa'yo
na kahit anong mangyari; andito lang ako.

Hindi pala sapat,
ang lahat ng bagay na iyon
kulang pa o baka hindi lang talaga
ako ang hanap mo.

Ako 'yong parating andiyan para sa'yo
ako 'yong hindi nawawala sa tabi
kaya hindi ko maintindihan
kung bakit hindi ako?
kung bakit hindi naging sapat para piliin mo?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon