TROPASila 'yong tipo na hindi nang iiwan
Sila 'yong mga kaibigan na handa kang damayan
Na andyan agad sila kapag meron kang kailangan
Ang swerte ko dahil meron akong mga kaibigan.Sila 'yong tipo na dapat pinahahalagahan
Sila 'yong tipo na dapat iniingatan
Mga kapatid na ang turing namin sa isa't isaMay isang TAGA- PAYO
Sya 'yung lider sa aming grupo
Sya 'yung laging aktibo
Kapag kami ay problemado.May isang BITTER
Sya 'yung kaibigan naming hindi naniniwala sa forever
Dulot kasi 'yun ng ex n'yang two-timer
Eh hindi pa rin sya maka get-over.May isang CLOWN
Hindi kami kumpeto kapag wala sya
Sya 'yung laging nagpapatawa
Kaya kahit sa daan, para na kaming baliw sa kakatawa dahil ang lakas talaga ng trip nya.Meron din kaming GWARDYA
Sya 'yung kaibigan namin na laging nakabantay sa orasan
Minsan, late na kami magsi-uwian
Pagkatapos kasi ng klase diretso agad sa tambayan.Hindi kumpeto ang barkada
Kapag wala ang isa
Para kaming takas-mental kapag nagsama-sama
Sila 'yung mga KAIBIGAN kong hindi ko ipagpapalit sa IBA.Sila ang pangalawa kong pamilya
Sila ang pangawalang dahilan kung bakit ako masaya
Sila ang ginagawa kong sandata
Kapag pakiramdam kong ako ay nag-iisa.Sila ang aking nasasandalan
Kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan
Hindi naman nila ako nabibigo
Dahil hindi nila ako pinapa-uwi hangga't walang ngiti sa labi ko.Bihira ka na lang magkaroon
Ng tunay na kaibigan
Kaya kung meron ka nito
Pahalagahan mo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PuisiPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat