AKO ANG BUWAN, NA PARATI MONG NASASAKTANSa tuwing sumasapit ang gabi
nabuburado ng kusa ang ngiti sa aking labi
sapagkat makikita na naman kita
na pagmamasdan mo siya
habang heto ako;
nag aabang na ang tingin mo
ay sa akin mapunta.Siya ang bituwin,
na gabi-gabi mong inaabangan
siya ang bituwin,
na paborito mong pagmasdan
tipong bigla kang mangingiti sa kawalan
kapag siya’y iyo ng nasilayan.Siya ang bituwin,
na parati mong tinatanaw
tila’y sa iyong titig,
para mo siyang tinutunaw
dama ko ang tuwa ng mata’t labi mo
na para bang ipinapahiwatig mong siya ang iyong mundo.Siya ang bituwin,
at ako ang buwan
ang buwan
na parati kang sinusundan
na hilig ka ring abangan
na kahit ilang beses mo akong pinagtataguan
kailan man hindi ko binalak na ika’y iwan
kahit ako ay iyo nang nasasaktan.Ako ang buwan mo
na parating nakasunod sa iyo
kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan
Hindi ako magtatangkang ika'y iwanan.Ako ang buwan
Na tila'y malaking sagabal para sa'yo
Siya ang bituwin
Na tila'y siya ang nagbubuo ng araw mo.Hindi naman ako manhid dahil ramdam ko
Ramdam ko na sya ang gusto mo
Pero kahit ganun, hindi ko alam ang dahilan
Na kung bakit gusto pa rin kita kahit sobra na akong nasasaktan.Sinubukan kong mawalan ng pake sa'yo
Sinubukan kong balewalain ang presensya mo
Pero alam mo kung ano ang nakakatawa?
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoetryPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat