57. PEKENG PAG-IBIG

262 4 0
                                    

PEKENG PAG-IBIG

Pinaasa, iniwan
Niloko, pinaglaruan
Binasura, hindi pinahalagahan
Binigo, sinaktan

Ginawang kawawa
Sunod-sunuran na parang tuta
Pinagapang, pinagmukhang bata
Binato gamit ang batuta.

Pag-ibig na marami ang ibig-sabihin
Pag-ibig na lahat ay kayang hamakin
Pag-ibig na marami ang kayang biktimahin
Pag-ibig na lahat ay kapwa'y isang bangungot para sa akin.

Pag-ibig na akala ko ay masaya
Pag-ibig na akala ko ay kay ligaya
Pag-ibig na akala ko ay walang daya
Ngunit nagkamali ang lahat ng akala.

Pinaasa, gamit ang mga salita
Pinaasa, gamit ang mga mata
Pinaasa, na ako lang at walang iba
Pinaasa mo ako na tayo lang dalawa.

Ginawang kawawa, bakit?
Pag-ibig na masaya? Pero bakit masakit?
Ginamit ang mga matang mapang-akit
Pag-ibig na puro lang pala hinanakit.

Iniwan, na parang bula
Iniwan, kung kaya’t lumuluha
Iniwan mo akong mag-isa
Iniwan mo akong merong hinanakit sa ating dalawa.

Sunod-sunuran na parang tuta
Pag-ibig na kay ligaya?
Pero bakit puno ng mga luha?
Ginamit ang mga mabulaklak na salita
Pag-ibig na puro hindi kaaya-aya.

Niloko mo ako pero pinabigyan kita!
Niloko mo ako pero pinaniwalaan pa’rin kita!
Niloko mo ako pero kinaya ko ang lahat
Kinaya ko ang lahat kahit sayo'y hindi ako naging sapat!

Pinagapang, pinagmukha mo akong bata
Pag-ibig na walang daya?
Ginamit ang salitang mahal kita
Pag-ibig na pinagmumukha akong tanga!

Pinaglaruan, na parang isang isang bagay
Pinaglaruan, gamit ang iyong mga kamay
Pinaglaruan, at pilit na pinapatay
Pinaglaruan mo ako at pinatay sa kabaong na walang hukay.

Binato gamit ang batuta
Ngunit nagkamali ang lahat ng akala
Ginamit ang lahat ng ala-ala
Pag-ibig na unti-unti akong binababa.

Binasura mo ako pagkatapos mong lokohin
Binasura mo ako na parang may galit ka sa akin
Binasura mo ako pagkatapos kitang mahalin
Binasura mo ako na merong hinanaki sa relasyon natin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon