92. 𝗔𝗹𝗽𝗮𝗯𝗲𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗵𝗮𝗺 𝗻𝗶 𝗔𝗹𝗮𝘆𝗮
𝗔-ko ay magsusulat
𝗕𝗔-kas nitong puso kong binahiran mo ng sugat
𝗞𝗔-akibat nito'y mayroong luhang nagbabadya
𝗗𝗔-hil alam kong ikaw na naman ang aking magiging paksa
𝗜-kaw naman parati ang binibida ko sa aking mga tula.𝗚𝗔-gawin kong telenobela ang istorya nating dalawa
𝗛𝗔-hanapin ko sa bawat sulok ang pinangako natin sa isa't isa
𝗜-ibahin ko ang destinasyon ng ating pagsasama
𝗟𝗔-layo ako sa eksenang iniwan mo ako dahil nakahanap ka ng iba.𝗠𝗔-hal, hindi ito ang pag-ibig na hinangad ko
𝗡𝗔- kailanman hindi ko hiniling na magkahiwalay tayo
𝗡𝗚𝗔-yon ko napagtanto na kahit gaano man katagal ang relasyon natin
𝗨-busin ko man ang oras at pagkakataon alam kong hindi ka na babalik ka sa akin.𝗣𝗔-kiusapan man kitang huwag mo akong iwan
𝗥𝗔-mdam at alam ko na hindi mo na ako pakikinggan
𝗦𝗔- kanya ka na masaya; sinabi mong siya na ang mahal mo
𝗧𝗔-nggap ko ang katotohanang iyon kaya kahit masakit
𝗨-malis ako; hinayaan kitang maging masaya sa piling niya
𝗪𝗔-la naman na akong magagawa kaya pinalaya na kita
𝗬𝗔-kap ko ang mga masasayang ala-ala natin kasabay ng aking paghakbang; ang pagmamahal ko sa iyo'y akin ng pakakawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/162477604-288-k212763.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoesíaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat