💛
Iyak ng bata
Talbog ng bola
Hagulgol kung saan
Nakakarinding tawanan.
Yan ang parating eksena
Na labis kong kinababalisa
Parating kong sinasabi yun kina Mama
Pero hindi sila naniniwala.
Hindi nila ako pinakikinggan
Hindi nila ako pinaniniwalaan
Hanggang sa kinagabihan
Muli silang nagparamdam.
Nilabas ko ang asin
Napatingin ako sa salamin
Gusto kong sumigaw
Pero hindi rin ako maka galaw.
Isang batang babae
Puro dugo ang kanyang damit
Agad akong pumikit
At nagdasal ng paulit ulit.
Dahan dahang akong dumilat
Mga mata ko ay tumapat
Sa salamin na may nakasulat
"Tulungan mo ako, pakiusap"
Napasigaw ako
Ng bumukas ang pinto
Kasabay ng pagpatay ng ilaw
Bulong nya'y "Huwag kang sisigaw."
"𝖠𝗇𝗈𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗂𝗅𝖺𝗇𝗀𝖺𝗇 𝗆𝗈?"
Nanginginig na bulong ko
"𝙆𝙖𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗸𝗼 𝗿𝗶𝗻"
Biglang may tinurok sya sa akin.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoezjaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
