32. MAHAL PA RIN KITA

415 7 0
                                    

MAHAL PA RIN KITA

Mahal pa rin kita
Ngunit mahal mo na siya
Nagmamahalan na kayong dalawa
At sa kwento niyo, isa na lang akong ekstra.

Nagsisisi ako
Sa kinalabasan ng aking isinakripisyo
Ang pakiusap nilang makipaghiwalay ako sa'yo
Kapalit sa pagtupad ng mga pangarap mo.

Walang katotohanan na may iba na ako
Walang katotohanan na nagsawa na ako sa'yo
Walang katotohanan ang lahat ng mga sinabi ko
Dahil isa lang iyon sa mga palabas nila't plano.

No'ng araw na ginawa ko ang gusto nila
Kahit na alam kong ikasasakit nating dalawa
Nagmatigas ako't ginawa ko ang plano ng mga magulang mo
Ang utos nilang makipaghilaway ako sa'yo.

Gusto kitang yakapin no'ng nagalit ka sa' kin
No'ng sinumbat mo na paano na ang mga pangarap natin
Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo pero natakot ako

Natakot ako na baka ako ang maging dahilan ng hindi pagtupad ng mga pangarap mo.

Mahal kita pero anong magagawa ng pagmamahal ko
Kung nakasasalay sa akin ang mga pangarap mo
"Hindi na kita mahal, palayain mo na ako"
Mga kataga na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko.

At sa hindi inaasahang pagkakataon
Nakita kita kasama ang bago mong karelasyon
Parang huminto ang lahat no'ng magtagpo ang ating mga mata
At isa lang ang tumatak sa isip ko, ilang taon na ang lumipas
-mahal pa rin kita.

Sabi nila, masakit daw ang maiwan at masamang tao 'yong nang-iwan. Kawawa 'yong nasaktan at masamang tao 'yong nanakit.

Siguro nga masamang tao ako. Kasi 'yong taong mahal ko, sinaktan at iniwan ko. Pero may rason naman ako kung bakit ko nagawa iyon pero alam ko rin sa sarili ko na hindi katwiran 'yong rason ko kasi may pagpipilian naman ako. Ang sumuko na lang o patuloy na lumaban. Pero wala eh, pinili ko pa rin na iwan at saktan 'yong taong mahal ko.

Nakakatawa nga eh, isang taon na lumipas pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang lahat sa akin. Sa isang taon na lumipas ni hindi man lang nabawasan o nagbago ang nararamdaman ko.

Mahal ko pa rin siya. 'Yong pang iiwan na nagawa ko sa kanya noon, pagsasakripisyo ang tawag ko doon.

At hindi rin ako masamang tao.

"Ayos ka lang?"

Tango lang ang sinagot ko kay Ros. Kaibigan siya ni Kuya na naging kaibigan ko na rin.

"Liar." natawa ako sa sunod niyang sinabi.

"Bakit nga pala andito ka? Akala ko ba may lakad kayo ni Erin?" banggit ko sa nililigawan niya.

"Tinawagan niya ako kanina, may pahabol daw na meeting kaya hindi kami tuloy." nilalaro niya ang basong hawak niya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Tahimik akong nag-iisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang plano ko o hindi.

"What?"

"Wala." sabay inom ko ng juice.

Alam niya kasi ang nakaraan ko. Kinuwento ko iyon sa kanya at nasabi ko rin noon na may plano akong makipagkita kay Solomon, my ex boyfriend pero tutol siya.

Kaya ngayon, nag aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Siguro naman, iba na ang takbo ng utak nito?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon