107. IPINAGPALIT SA MALAPIT

175 0 0
                                        

IPINAGPALIT SA MALAPIT

Sabi ng iba
Na ang Ldr daw ay nauuwi lang sa wala
Pero ang relasyon natin ay naiiba
Sapagkat mahal natin ang isa't isa.

Busog tayo pareho sa salitang tiwala
Ang relasyon natin ay masaya't masigla
Marami tayong pangako't plano
Na kapag dumating na ang araw ng ating pagtatagpo.

Alam ng lahat na ang ldr ay hindi madaling sitwasyon
Ngunit sa tatag ng ating relasyon
Ay nalalagpasan natin ang lahat ng problema
Na mas lalong nagpapatatag sa ating pagsasama.

Kaso, may dumating na problema
Ngunit hindi ko ito masyadong ininda
Dahil alam kong malalagpasan naman natin ito
Ngunit nagkaroon ng pangamba ang puso ko.

Parang may nagbago
Hindi; may nagbago na sa iyo
Tila'y nagkaroon ng butas ang ating relasyon
Napagtatanto kong nasa iba na ang iyong atensyon.

Ang minu-minuto na pagtawag mo sa akin
ay naging madalang

Sa tuwing tinatawagan kita
Dinadahilan mong inaantok ka o abala ka
Sa tuwing kinukulit kita sa chat dahil hindi mo na ako nirereplyan, nagagalit ka
Sa tuwing pinipilit kitang sagutin ang tawag ko, pinapatayan mo lang ako, tang-ina!
Para na akong tanga na namamalimos ng atensyon mo, bakit ba?!

Akala ko'ba, walang susuko? Walang iwanan?
Akala ko'ba walang bibitaw? Pero bakit ka nagkakaganyan?
Bakit mo'ko binabalewala? Bakit moko hindi pinapahalagahan?
Bakit mo'ko natitiis eh dati naman hindi ka ganyan?

Nagtanong ako sayo, 'Mahal mo'pa ba ako?
Pero yung sagot na inaasahan ko mula sayo, iba ang narinig ko
"Mahal kita pero pagod na ako sa sitwasyon natin dalawa, palayain mo na lang ako"
Yan ang sinabi mo saken na hanggang ngayon hindi ko parin matanggap, bakit ka sumuko?

Pero akala ko tapos kana sa pagsalita pero may dinugtong ka'pa
Ang mga katagang iyon ang syang tuluyang nagpawasak sa puso kong umaasa
Umaasa na baka sakaling ang tayo ay maisasalba ko'pa
Pero dahil sa sinabi mong 'May iba na ako, mas malapit kesa sayo' tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

Nawalan ako ng pag-asang baka sakaling pwede pa
Na baka pwede pang solusyunan ang relasyon nating dalawa
Pero alam kong talo na ako dahil sa umpisa palang alam kong wala na akong magagawa
Ang masakit lang kase, pinagpalit mo ako sa mas malapit, na hindi ko kayang ibigay sayo dahil malayo ang pagitan nating dalawa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon