KWENTO NG BUHAY KO
Ayaw ko sanang mag-drama pero wala na akong pagpipilian
Ang mga pangyayari sa buhay ko noon ay kailangan kong balikan
Iisa-isahin ang mga ala-alang muling bumubuo sa aking isipan
Mga hinanakit, lungkot, saya at poot na syang aking naranasan.Ang pagkawala ni Papa, ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko
Na hanggang ngayon, hindi ko pa'rin tanggap na wala na talaga sya dito sa mundo
Na kailangan ko nang tanggapin para sa lungkot ay makawala na ako
Ngunit kahit wala na sya, mananatili syang nakaukit sa aking puso.Sunod, ang magkaroon rin si Mama ng sakit na syang sakit rin noon ni Papa
Laking pasalamat ko sa Panginoon na nadaan sa gamutan kung kaya't hindi na lumala
Mabuti't hindi naapektuhan ang kanyang paglalakad maging ang pagsasalita
Ngunit ngayon, aaminin kong ang laki talaga ng ipinayat ni Mama.Nagkaroon rin ng bagong miyembro sa aming pamilya
Kung saan hindi ko agad natanggap na sa murang edad na si Ate ay naging isang batang Ina
Inaamin kong nagalit ako sakanya nung mga panahon na iyon
Pero wala na yung galit sa puso ko pagkat alam kong may dahilan yun ngayon.Sa murang edad ko, marami akong mga bagay na natutunan
Na'sa mga problema'ng dumaraan ay dapat sabay din na lalaban
Huwag papatalo sa bigat ng pinagdaranan
Pagkat walang ibibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kayang lagpasan.Hindi na ako nag-aaral bagkus mas pinili magtrabaho
Hindi dahil sa tamad akong mag-aral kundi mas inisip ko lang yung pamilya ko
Sa edad na labin-pitong taong gulang, agad akong nagbanat ng buto
Naghanap ng pwedeng pagkakitaan, para lang kay Mama ay makatulong ako.Ngunit oo, gabi-gabi kong ipinapanalangin na sana makapag-aral muli ako
Pero ibang-iba kase yung sitwasyon namin ngayon ng pamilya ko
Parang araw-araw nalang may dumarating na pagsubok o problema
Kaunting pasensya nalang ang sa aki'y natitira ngunit lalaban pa'rin para kay Mama.Bilang isang anak, ramdam kong may pagod na nararamdaman si Mama
Hindi biro ang pagsasakripisyo nya ngayon kase mag-isa na'lang sya
Mag-isa nyang kinakaya ang lahat, binubuhay nya kami na sya lang mag-isa
Kaya naman hangga't kaya kong tumulong, tutulong ako sakanya.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoetryPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat