161. PAYAKAP AKO

211 2 1
                                        

PAYAKAP AKO

Pwede bang payakap ako?
'Yong mahigpit
Iiyak lang ako saglit
Kasi hindi ko na kaya 'yong sakit.

Hindi ko kasi ito kayang mag-isa
Hindi ko kayang dalhin ang bigat ng problema
Hindi naman kasi ako malakas tulad ng iba
Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.

Ang pamilya ko'y hindi ko naman maaasahan
Ang mga kaibigan ko'y puro lang daw ako ka dramahan
Walang may gustong intindihin ako
At ikaw ang unang nakita ko, Ginoo.

Pasensya ka na pero pwede bang payakap ako?
'Yong mahigpit
-iiyak lang ako saglit
Sa mga bisig mo, naramdaman kong may kakampi ako
Sa init ng 'yong yakap, pakiramdam ko naging karamay kita kahit saglit.

Salamat, Ginoo
Salamat sa mga yakap mo
Sa yakap mong napa kalma ako
Sa yakap mong tiyak na hahanap hanapin ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon