157. BALE(WALA)

113 1 0
                                        

BALE(WALA)

Kung ayaw mo na akong kausapin
Pwede mo namang sabihin
Huwag mo akong paasahin
Pwede mong ipagtapat sa akin.

May bago na ba?
Nagsawa ka na?
Hindi ka na ba masaya?
O baka meron na sa iyong ibang nagpapasaya?

Ang hirap naman kasi nito
Dahil wala namang tayo
Kaya may karapatan bang magreklamo
Ang isang katulad ko?

Nawala ka na lang bigla
Walang matinong dahilan
Naglaho kang parang bula
Ano bang dapat kong maramdaman?

Gusto kong magalit sa iyo
Kasi iniwan mo ako

Ayokong mag isip ng kung ano
Pero masisisi mo ba ako?
Sabi nga nila, oras ay nagbabago
Ano pa kaya ang nararamdaman ng mga tao.

Hindi ako takot masaktan
Takot akong maiwan
Na pagkatapos mo akong pangakuan
Hindi mo pala maisasakatuparan.

Sanay naman na ako mag-isa
Pero sinanay mo akong andyan ka
Nakadepende na ako sa iyong presensiya
Ngunit lahat pala'y isa lamang pansamantala.

Ang dating hindi matapos tapos na kulitan
Ang dating hindi matapos tapos na kwentuhan
Ay agad din nagbago't napalitan
Ng pambabalewala't hindi pagkakamustahan.

Ang dating tayo,
ikaw at ako
ay nagbago
tila'y istranghera't estrangero.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon