ABALA KA LANG, DI BA?Teka nga, ilang araw na ba?
Simula 'nung sabihin mo sa'kin na magiging abala ka
Inintindi ko iyon subalit parang hindi ko na kaya
Miski-isang mensahe kasi ay wala akong natatanggap mula sa'yo, nakaka-tanga.Umaasa ako na baka nakalimutan mo lang di ba?
Umaasa ako na baka abala ka lang talaga
Winaksi ko sa isipan kung bakit wala kang paramdam miski-isa
Abala ka lang, abala ka.Ngunit, bakit lumipas ang isa, dalawa, tatlo
Tatlong araw na kitang hindi nakakausap sa telepono
Pilit kong sinasabi sa sarili ko
Na baka abala ka lang sa pag-aaral mo.Pero di ba dapat kahit 'man lang sana isa
Kahit isang beses lang, nangamusta ka?
Pero bakit hindi mo magawa?
Umaasa na ba ako sa wala?Wala akong mensaheng natatanggap mula sa'yo
Para akong tanga, mababaliw na ako!
Abala ka lang di ba? Sabihin mo
Na abala ka lang kaya nakalimutan mong kamustahin ako?Pero bakit ganito?
Bakit parang sarili ko na ang niloloko ko?
Lumipas na lang ang isang linggo
Abala ka pa rin, abala ka lang ba talaga o niloloko mo na ako?Binalewala ko ang isang linggo
Ang isang linggo na hindi mo nagawang kamustahin 'man lang ako
Isang linggo na naging abala kaya hindi kita inistorbo
Kaya nagpasya na akong pumunta sa condo mo.Tinawagan kita para ako’y iyong salubungin
Hindi mawala ang aking ngiti habang bitbit ang paborito mong pagkain
Ngunit biglang nawala ang ngiti at napalitan ng kaba
Nang sandaling mensahe mo'y aking nabasa.'Nag-aaral ako kasama mga kaibigan ko'
Yan ang mensaheng sinabi mo
Ngunit hindi ako kumbinsido
Dahil may naririnig akong kung ano sa loob ng iyong condo.At dahil alam ko ang password ng condo mo
Walang pag-aalingan kong binuksan ito
At dito bumungad ang hindi ko inaasahan
Kasama mo ang kaibigan ko at mukha kayong nagkakasiyahan.Sa sobrang tutok mo sakanya
Hindi mo ako nakita
Hindi mo nakita ang pagpatak ng aking luha
Habang pinagmamasdan ko kayong dalawa.Kahit nanghihina ako
Luhaan akong lumisan sa condo mo
Ang pagsabi mo sa'kin ng hindi totoo
Ang sya'ng tuluyang nagpadurog sa puso ko.Sabi ko nga abala ka
Abala ka hindi sa pag-aaral mo kundi sa iba
Ang laki kong tanga pagdating sa'yo
Paniwalang-paniwala ako!Sabi mo, magiging abala ka sa buong linggo
Ang akala ko, nagbabasa ka lang ng libro
O inaaral ang mga lessons nyo
Yun pala, iba na ang inaaral mo.Ang laki mong gago
Hindi ka makuntento sa isa
Sana hiniwalayan mo muna ako
Bago mo maisipang maghanap ng iba!Nang malisan ko ang lugar mo
Tinatapos ko na rin kung anong meron ang tayo
Kung dati, hinayaan kong maging tanga sa'yo
Pwes ngayon, pinapangako ko
-hinding-hindi na ako babalik pa sa'yo!
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PuisiPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat