Kung childhood friend ang usapan ng iba
Ibibida ko na ang aming istorya
Na simula pagkabata
Ay kami na ang magkasama.Ika nga sa kanta
Ako ang hari at siya ang reyna
Ako ang prinsipe at siya ang prinsesa
Kay sarap balikan ang aming ala-ala.Sa larong kalye
Kami lagi ang magkakampi
Luksong baka, habul habulan
Patintero at ang paborito kong kasal kasalan.Tatambay sa paborito naming tambayan
Sabay na pagmamasdan
Ang paglubog ng araw
Pero nauuwi lagi sa siya ang palihim kong tinatanaw.Hilig kong lihim siyang pagmasdan
Sa tuwing nahuhuli niya ako, bigla siyang makikipagtitigan
Mga mata niyang kakaiba ang dating nito
Na tila'y may pahiwatig na masaya siyang kasama ako.Naalala ko pa noong naligo kami sa ulan
Magkasiklop ang aming mga palad
Tuwang tuwa siya habang kami'y naglalakad
Mga tawa niyang tila'y musika sa' kin na kay sarap pakinggan.Sabay na uuwi galing eskwela
Kakain sa gilid ng kalsada
Baon ang kwento at mga tawa
Basta masaya kapag kasama ko siya.Ngunit ang saya na iyon biglang nahinto
No'ng nag umpisang kami'y nagkalayo
Araw, linggo, buwan at taon
Sampung taon kaming nawalan ng komyunikasyon.Hindi ko man lang nasabi sa kanya
Ang tunay kong nadarama
Na higit pa sa pagka-kaibigan
Ang aking nararamdaman.At sa hindi ko inaasahan
Na sa sampung taon na nagdaan
Muli kaming pinagtagpo ng tadhana
Sa ngalan ng Social Media.At hindi na nga ako nagpatumpik tumpik pa
Agad ko siyang pinadalhan ng mensahe't nagpakilala
Labis ang naramdaman kong pagkasabik at saya
No'ng sinabi niyang pareho naming hinahanap ang isa't isa.Sampung taon ang nasayang na hindi kami nagkasama
Pero ngayon, muli kaming pinaglandas ng Social Media
Kaya naman, sinisiguro ko na muling mabubuksan ang istorya
Istoryang sinimulan naming dalawa mula pagkabata.Ngunit, ang saya sa akin ay agad na napawi
Nang makita ko ang kanyang daliri
Biglang nanlamig ang buo kong katawan
No'ng inabutan niya ako ng papel na kulay luntian.Habang nakatitig ako sa papel na bigay niya
Hindi ko mapigilang mapaluha
Dahil ang inaasahan ko
Akala ko, muling matutuloy ang nahinto naming kwento.Masyado akong nasaktan sa balitang dala niya
Ang dami ko ng plano para sa aming dalawa
Ang muli naming pagkikita ay matagal ko ng dasal
Pero agad iyong gumuho sa balita niyang malapit na siyang ikasal.Ang maliit na papel ay isang imbitasyon
Kasal niya ito at ng lalaking minamahal niya ngayon
Sa sampung taon na nagdaan, may kwento na pala siyang binubuo
Habang ako, umaasang makakasama ko siya uli sa nahinto naming kwento.Tuluyan ko na bang isasara ang kwento naming dalawa?
At pipiliin ko na lang bang maging masaya para sa kwento nila?
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoezjaPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat