168. PAALAM, AKING MAHAL

150 3 0
                                    

PAALAM, AKING MAHAL

Mahal, hayaan mong magpasalamat ako
Sa mga panahon na magkasama tayo
Sa relasyon na sabay nating binuo
Na siyang tayo rin pala ang wawasak nito.

Mahal, minahal kita
Minahal kita at sarili ko'y wala nang itinira
Binigay ko ang lahat para sa ikasasaya mo
Kahit minsa'y ubos na ubos na ako.

Mahal kita at pinili kong makuntento sa'yo
Pinili kong manatali sa tabi mo
Kahit paulit-ulit mo akong pinagtatabuyan
Ni minsan hindi ko tinangkang ika'y iwanan.

Mahal kita, kahit ramdam kong nagbabago ka na
Ramdam ko ang pag-iiba mo kapag tayo ay magkasama
Nawala na ang kinang sa iyong mga mata
Na para bang sinasabi nito na sa akin ay nawawalan ka na ng gana.

Mahal kita, ngunit sinabi mong 'tama na'
Na sa akin ay nais mo na 'ngang makawala
Pagkat sinabi mo na sa akin ay hindi ka na masaya
Mahal kita, kaya kahit ayaw ko
—sige, pakakawalan na kita.

Hindi na ako nakiusap na 'kung pwede pa 'ba?'
Ayaw ko ng ipilit ang sarili ko na 'kung pwedeng isang araw pa?'
Kung ang nais mong makalaya sa akin—ibibigay ko 'yun sa'yo
Hinding-hindi ko iyon ipagkakait kahit na masaktan pa ako.

Lilisanin ko na ang mga ala-ala na kasama ka
Lilisan ko na ng mga panahong masaya tayong dalawa
Lilisanin ko na ang relasyong binuo natin ng magkasama
Mahal, mahal kita kaya paalam na.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon