BIKTIMA AKO NG MAPAG-LARONG TADHANA
Ayoko ng magmahal
Sa mapaglarong pag-ibig, ayoko ng sumugal
Dahil pagod na akong masaktan eh
Takot na akong maiwan na naman sa ere.
Sapagkat lahat ng sakit; naranasan ko na
Kaya sa pagkakataong ito, ayoko ng maulit pa
Ayoko ng muling madurog at magdusa
Pagod na akong manlimos ng pagmamahal sa iba.
Ilang beses na akong naiwan
Ang lokohin ako, ang pagsawaan
Ang ayawan ang ugali ko, ang ipagpalit sa malapit
Danas ko na ang lahat ng klase ng sakit.
'Yong mga lalaking minamahal ko
Sinasaktan lang ako sa dulo
Pinapaluha lang nila ang mga mata ko
Dinudurog lang nila ang puso ko.
Paulit-ulit ang mga rason na naririnig ko
Ang ayawan ang pag-uugali ko
Ang pagsawaan sa kung anu-man ang meron ako
Ang ipagpalit ako ng basta-basta kung kani-kanino.
Mahirap, sobrang sakit
Sa pagmamahal, natikman ko lang ay puro pait
Puso'y paulit-ulit na nakakaramdam ng hinanakit
Sa mapag-larong tadhana, ako'y galit.
Ayoko nang muli akong magmahal, nakakadala
May takot na sa aking puso, pinalilibutan ng troma
Kay Kupido'y iiwas sa maka-mandag nya'ng pana
Dahil isa na ako sa mga biktima ng mapag larong tadhana.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoetryPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
