42. SA NGALAN NG PAG-IBIG

391 5 0
                                    

Sa Ngalan ng Pag-ibig
( pagsuko sa digmaan ng pag-ibig )

Ang piyesang ito ay para sa mga taong handang palayain ang taong mahal nila kahit alam nila na ikakasakit din nila ito sa huli.

Sa bawat pagpatak ng ulan, himig mo ang naririnig
sa pagsikat ng araw, tanging pagmamahal mo ang nananaig
sa pag agos ng tubig sa karagatan, ikaw ang dumadaigdig
siyang pagsusumamo nitong aking pag-ibig.

Pagmasdan ang lugar kung saan tayo pinagtagpo ng landas
alalahanin ating pag-ibig na bigla ring kumupas
huminto sa pagpintig ang puso ko dahilan para umagos ang lahat ng luha
iisa isahin ang mga pangako mong hindi naging makatotohanan dahil lumihis kang parang isang kandila.

Pinanghawakan ko ang lahat ng sumpaan natin ngunit ninais mo nang bumitaw
bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak ko na parang gusto mong sumigaw
gusto mo ng lumaya sa relasyon natin na para bang nahihirapan ka na
gusto mo ng wakasan ang pinagsamahan nating dalawa.

Sa Ngalan ng pag-ibig;
natuto akong palayain ka kahit na mahal kita
kahit masakit, tiniis ko dahil sinabi mong napapagod ka na
gustuhin ko mang ipaglaban ang karapatan ko pero nagmakaawa kang itigil ko na
titigil sa pagtibok ang puso kong nilagyan mo ng karamdamang hindi ko alam kung maghihilom pa.

Sa Ngalan ng pag-ibig;
ginawa ko ang gusto mo kahit hindi ko alam kung kakayanin ko
ang hiling mong palayain kita kahit hindi ako sang-ayon ginawa ko pa rin dahil iyon ang gusto mo
nawalan ako ng laban dahil ikaw na mismo ang nagsabing tapusin na natin ito
hindi ko na nagawang komprontahin ka kung bakit ba tayo umabot sa ganito.

Sa Ngalan ng pag-ibig;
tiniis ko ang hirap sa bawat araw na aking pangungulila
na sa pagtapak ng umaga at sa pagmulat ng aking mata, hindi na ikaw ang una kong nakikita
hanggang sa namamalayan ko na lang na umiiyak na naman ako
dahil sa katotohanang tapos na talaga tayo.

Sa Ngalan ng pag-ibig;
hinayaan kong maging masaya kang hindi ako ang nasa tabi mo
miski-anino ko hindi naging hadlang kahit na gusto kong maibalik ang tayo
pero dapat na akong tumigil dahil nakikita kong masaya ka nang muli na ang dahilan ay hindi ako.

Hindi magiging ako,
dahil masaya ka na sa iba
at iyon ang dahilan kung bakit ninais mong kumawala na sa relasyon nating dalawa.

Sa Ngalan ng pag-ibig,
nagtatanong pa rin ako kung bakit masaya ka na habang heto ako’t nasasaktan pa
nagtatanong ako kung bakit maayos ka na
habang ako hindi ko alam kung paano uli magsisimula.

Sa Ngalan ng pag-ibig,
sinisumbatan ko ang sarili ko kung bakit nga ba minahal kita nang sobra kaya ngayon ako rin ito nagdurusa dahil hindi ko alam kung paano ako makakabangon muli ngayong wala ka na.

Sa Ngalan ng pag-ibig,
hindi ko alam kung paano
ako muling magtitiwala
kung paanong muling
magmamahal ng walang
pagdududa at pag-iisip
na baka maulit lang uli
‘yong maiwan at masaktan ako
samantalang nagmahal lang naman ako.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon