Walang sagot sa tanong na kung bakit ba minamahal kita.
Bakit nga ba minamahal kita? Bakit mahal pa rin kita kahit ang sakit-sakit na? Nakakatanga di ba? Yung taong mahal mo ng sobra ay sya ring sinasaktan ka.
Pagmamahal pa rin ba ang tawag dun? O baka tanga na ako? Baka masyado akong nakampante na tayo na hanggang sa dulo. Siguro, tama ang ibang tao. Na hindi porket mahal mo sya ay hahayaan mo ng saktan ka nya. Sabi nila, may taong dapat na ipaglaban at may taong dapat na sukuan.
Ano bang gagawin ko? Ang sukuan ka? Ang sukuan ka ba kahit mahal kita? Komento sa'kin ng iba na h'wag ka nang ipaglaban kasi paulit-ulit mo na rin akong sinasaktan.
Ginoo, gusto ko pa sanang ipaglaban ka pero tama sila. Na dapat na kitang sukuan hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi labis mo na nga akong nasasaktan.
Ginoo, may punto sila. Kung mahal mo ko, hindi ka gagawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagsuko ko sa'yo.
Ilang beses akong nagbulag bulagan, ilang beses akong nagbingi bingihan, ilang beses akong nagtiis kasi mahal kita, kasi ayokong mawala ka pero ngayon, pasensya ka na kung ayoko na. Pasensya ka na kung sa pagkakataong ito, pipiliin ko na muna ang sarili ko.
Pasensya, patawad, Ginoo. Pasensya na kung hindi na kita kayang intindihin. Patawad kung pagod na akong ipaglaban ka.
May huling bilin lang ako sa'yo, Ginoo. Kung sakaling magmamahal kang muli, h'wag sana sa paraang minahal mo ako.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoëziePatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
