WOMANunulat Thoughts
Tama ba ang nararamdaman ko?
Tama ba'ng magkagusto ako sa'yo?
Tama ba'ng gustuhin ka nang todo?
O mali dahil iba ang gusto mo?
Ano naman ang laban ko sakanya?
Mukhang kampante na kayo sa isa’t-isa
Nakakalungkot dahil parang wala akong pag-asa sa'yo
Wala akong pag-asa dahil ramdam kong hindi ako ang tipo mo.
Maraming magagandang katangian ang meron sya
Na sa isang katulad ko ay hindi mo makikita
Kaya nga hindi na ako magtataka kung sya ang napansin mo
Ngunit may kaunting puwang sa puso ko na sana mapansin mo rin ako.
7|4|21
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoetryPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
