104. YUNG KA-CHAT MO, IIWAN KA RIN NYAN

246 3 0
                                    

YUNG KA-CHAT MO NGAYON, IIWAN KA'RIN NYAN

Nagsimula ang lahat sa simple mong pag chat ng "hi"
Ako naman na walang kausap, agad na nagreply
Binanatan mo agad ako ng pick up line
Ako naman itong si uto-uto; sa kilig ay para ng mahihimatay.

Inaabot na tayo ng madaling araw sa chat
Mata'y pumipikit ngunit pilit pa ring dinidilat
Bilang na ang bawat paghikab, nasa labing-apat
At dahil sayo, nagagawa ko naring magpuyat.

Yung usapan natiʼy parang wala ng katapusan
At nauuwi sa mga matitinding biruan
Kapwaʼy mga boses ay nagpapagandahan
Ngiti ko ay umaabot na ata sa kalangitan.

Bawat minutoʼy palaging nagkakamustahan
Pagka-uwi sa eskwela, akoʼy iyong tinatawagan
Labis ang tuwa pag akoʼy iyong pinapagalitan
Sa tuwing ang pagkain ay aking nakaliligtaan.

Unang beses sa video call na magkaka-usap
Akoʼy taka dahil ang kaba ay hindi mahagilap
Nakiramdam sa aking sarili, parang nasa ulap
Nung sagutin mo ay mata koʼy nangungumislap.

Lumipas ang araw at dooʼy napagtanto na
Na nahuhulog na pala ako sa iyong presensya
At humigit pa sa pagkakaibigan nating dalawa
Takot ako dahil mukhang wala na akong kawala.

Kasabay ng pag-aalinlangan
Na ipagtapat ang nararamdaman
Ang luha ay biglaang nag-unahan
Hiningaʼy pawang dahan-dahang nalagutan.

Nabasa ang caption mong 'Nililigawan ko pala!'
Maraming tanong ngunit lamang ang pagtataka
Bakit ako nasasaktan, eh gusto lang naman kita?
Bakit parang hindi ko kaya na makita kang may kasamang iba?

Lumipas ang ilang araw, wala kang paramdam
Na palihim kong dinaramdam
Ilang gabing umiiyak pagkat para wala kang pakealam
Nasasaktan ako at ako lang din ang nakakaalam.

Tinatadtad kita ng mga mensahe
Ngunit hindi mo ako nirereplyan
Nakakagago lang kase
Bakit hindi mo binabasa eh online ka naman!

Sinusubukan kong ikaʼy tawagan
Ng pa-video call tulad ng nakakasanayan
Ngunit bakit mo ako pinapatayan?
Bakit mo ako iniiwasan?

Sa sobrang sakit ng nararamdaman
Na syang binibigay mo
Ang mga luha ay mistulang napalitan
Ng paghagulgol habang nalilito.

Ano bang ginagawa mo?
Pakiramdam ko balewala na ako sayo
Totoo nga ba ang mga nababasa ko?
Kase kung oo, bakit ganito?

Unti-unting kumikirot ang puso ko
Kase lahat-lahat ng ginagawa mo
Akala ko, gusto mo rin ako
Katulad ng lihim na pagkakagusto ko sayo.

Ang tanga-tanga ko talaga
Kase hinayaan kong mahulog ako ng basta-basta
Sa isang taong bago ko'lang na nakilala
Bagong kakilala tapos sa social media pa.

Hindi ko pinagana ang bawat mga akala
Ang bobo ko kase hindi ko man'lang pinagana
Ang isip ko na baka pinagtitripan mo lang ako diba?
Na baka libangan mo ako 'pag wala kang magawa!

Ang gago ko kase hindi ko pinigilan
Ang sariling mahulog sayo ng lubusan
Kase akala ko pareho tayo ng nararamdaman
Naaala mo ba na ako ay iyong pinangakuan?

Napanatag ako na walang magbabago
Kase iyon ang mga ipinangako mo
Na dapat wag akong mangamba, sayo
Kase ako lang diba? Kahit walang tayo!

Pinanghawakan ko ang mga sinabi mo
Kahit hindi man ako sigurado
Na kahit hindi malinaw ang kumpirmado
Nangako ka kase saken na tayo lang kahit walang tayo.

Pero tang-ina! Gago! Babaero!
Nangako kang walang magbabago?!
Pero bakit ako nagkakaganito?
Durog na durog na ako dahil sa ginagawa mo!

Sana pala hindi nalang ako nagreply
Sa simple mong pag-hi
At sana hindi nalang kita nakilala
Na syang pinagsisisihan ko ng sobra.

Oo, inaamin kong wala araw na dumaan na hindi mo ako napasaya
Walang sigundo o minuto ang lumipas na hindi mo ako napapatawa
At mas lalong inaamin kong pinapanalangin ko noon na 'ikaw yung dumating sa buhay ko na ayaw kong mawala'.

Pero ngayon, hinihiling ko na sana lahat ng sakit ng nararamdaman ko
Ang hapdi, kirot, sakit na dinulot ng puso ko nang dahil sayo!
Sana mawala na dahil hindi ko na kayang magdusa sa mga salitang pinangako mo
Gusto ko nang makalimot, sana magbago ang ikot ng mundo.

Gusto na kitang makalimutan
Ang sampung buwan ng ating pinagsamahan
Ang ala-ala na minsa'y sa akin ay nagpasaya ay kailangan ng takpan
Ibsan ang sakit na nararamdaman at dapat ng ibaon sa nakaraan.

Ang galing-galing mong bumanat ng linya
Bakit mo'pa ako nagawang pakiligin?
Eh wala ka naman palang isang salita
Tapos bandang-huli, hindi mo pala ako sasaluhin.

Hindi lahat ng dumarating sa buhay natin ay mananatili
Parang yung ka-chat mo ngayon, iiwan karin nyang bandang huli.



SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon