174. 𝗔𝗞𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚

153 5 0
                                    


AKO ANG NAGKULANG

Ayos lang na umalis ka
Naiintindihan ko
Huwag kang mag-alala
Dahil hindi ako galit sa'yo.

Hindi ko kayang magalit
Hindi ko kayang ipilit
Ayokong magreklamo
Kung bakit naghanap ka ng iba habang meron pang tayo.

Hindi mo kasalanan
Huwag kang humingi ng kapatawaran
Ako ang dapat na managot
Sa iyo'y wala akong galit o poot.

Hindi kita pwedeng sumbatan
Hindi kita pwedeng hingian ng dahilan
Dahil ako, ako ang may kasalanan
Dahil sa ating dalawa, ako ang nagkulang.

Nawalan ako ng oras sa'yo
Kaya di kita masisisi kung naibaling mo sa iba ang oras mo
Kaya huwag kang hihingi ng tawad sa akin
Dahil sa ating dalawa, ako ang nagkulang sa relasyon natin.

Kaya kahit ayaw kong pakawalan ka
Kase mahal kita
Pero meron ng 'sya' sa tayo
Meron ng 'kayo' kaya ako na lang ang lalayo.

Ako ang nagkulang
Kaya magdusa ako
Ako yung gumawa ng hadlang
Kung bakit nawala ang 'tayo.'

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon