KA-IBIGAN
Pilit ang pag-ngiti sa harapan mo
Pinilit na huwag magpa-apekto
Pinilit kong huwag masaktan pero sa huli ako parin talaga ang talo
Pinilit kong huwag umasa sa iyo ng todo.
Pinilit kong balewalain
Pinilit kong hindi intindihin
Pinilit kong huwag ka nang gustuhin
Pero kase, ang hirap e. Hindi na ata kita gusto kase natutunan na kitang mahalin.
Pinilit ko ang lahat ng iyon dahil alam kong masaya kana
Pinilit kong magtiis dahil ramdam kong mahal na mahal mo sya
Pinilit kong maging masaya sa inyong dalawa pero hindi ko pala talaga kaya
Pinilit ko lahat-lahat pero nahihirapan ako ng sobra-sobra.
Hindi madali na magustuhan ka dahil may nagmamay-ari na sayo
Pinigilan kong huwag umasa ng todo dahil alam kong masasaktan lang ako
Pero wag kang mag-aalala dahil wala akong gagawin na alam kong ikakagalit mo
Masaya parin ako dahil sa kabila ng pag-amin ko sayo, hindi ka lumayo.
Hindi ko itataya ang pagkakaibigan natin sa kadahilanang gusto kita
Hindi ko hahayaang masira ang binuong pagkakaibigan nating dalawa
Hindi koʼyun hahayaang mawala dahil lang sa unti-unting minamahal kita
Magiging kuntento na ako sa kung ano man ang meron tayo, sana.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
شِعرPatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
