158. MAGPA-KAMATAY NA LANG KAYA AKO?

170 4 0
                                    

MAGPA-KAMATAY NA LANG KAYA AKO?

'Wala kang kwentang tao!'
'Sana mawala ka na dito sa mundo!'
Yan ang paulit-ulit na nadidinig ko
Kahit takpan 'man ang tenga'y walang silbi ito.

'Sana hindi na lang kita pinanganak!'
'Sana hindi na lang kita naging anak!'
Yan ang ala-alang hindi mawala sa isipan ko
Ang salitang ipinamukha sa'kin ng mismong Nanay ko.

'Ang bobo-bobo mo, talaga!'
'Maliit lang na bagay, hindi mo 'pa makuha!'
Mga masasakit na salita ang sya'ng nagdadaloy
Sa bibig ng aking Ina, putak ng putak tuloy lang ng tuloy.

Kung hindi 'man ako pagsasalitaan ng masama
Nariyan ang ipagkukumpara naman ako sa iba
'Na kesyo, bakit hindi ka gumaya sakanya?'
'Kay ganito, kay ganyan' na para 'bang sa paningin nya'y wala akong kwenta.

'Bakit hindi ka gumaya sa ate at kuya mo?!'
'Nakakatulong sila, hindi tulad mong dala ay laging sakit ng ulo!'
Hindi ko na iyon ipagtataka dahil simula't-sapul, alam ko
Alam kong kesa sa akin, sila lang ang paborito mo.

Ginagawa ko naman lahat para mapabilib 'rin sya
Para maramdaman ko 'rin na minsa'y ipagmalaki nya ako sa iba
Na kahit minsa'y may tama 'rin akong nagagawa
Ngunit tila'y pagkakamali ko na lang parati ang kanyang napupuna.

Sisigawan ng mga masasamang salita
Huhusgahan na para 'bang hindi nya anak, ang sinasabihan nya
Oo, oo minsa'y gustung-gusto ko na sya'ng sigawan
At sabihing 'Nay, sana nga hindi nyo na lang ako binuhay para ang lahat ng ito ay hindi maranasan!'

Gusto ko sya'ng sigawan, 'Nay, anak nyo 'rin po ako!
'Hindi lang naman sina Ate at Kuya ang anak nyo!'
Gusto kong ipamukha sakanya na nasasaktan na ako
Pero hindi ko magawa, dahil may natitira pa akong respeto.

May natitira pa akong respeto sakanya
Na sa kabila ng kanyang mga ginagawa
Na sa sa kabila ng lahat, sa masasamang salita
Hindi mababago na Nanay ko sya at mahal ko sya.

Pero pagod na ako, pagod na akong pakinggan
Ang mga panghuhusgang kanyang binibitawan
'Nay, mahal ko kayo kaya tutuparin ko ang nais nyo'
Ang parating sinasabi nya'ng 'Sana mawala ka na dito sa mundo'.

At ngayon, maling hakbang lang ng aking mga paa
Kasaguta'y ang paghinga'y mapuputol na
Habang walang tigil sa pagbuhos ng aking mga luha
Puso'y napuno ng sakit at pagdusa'y unti-unti nang kumawala.

Maraming sigawan ang naririnig ko mula sa baba
Marami nang nagkalat at nagka-gulong mga pulisya
At hindi ko inaasahang makita ang aking Ina
Tanaw ko kung paano nya inagaw ang ispiker mula sa pulisya
-Narinig ko nangingibaw na sigaw ng aking Ina
'Anak, bumaba ka riyan, parang awa mo na!'

Mas lalong bumuhos ang luha ko
Kailangan ko pa 'bang gawin ang eksenang ito
Para lang maramdaman kong mahalaga rin pala ako?
'Patawad, Nay, pero pagod na pagod na ako'

-

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko mula sa hangin pero agad akong napahinto.

Mabilis akong lumingon para makita kung sino ang bumulong sa'kin.

Bigla akong kinabahan dahil wala naman akong nakikitang bakas ng anino mula sa paligid ko.

"Hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problema, magdasal ka, kausapin mo ako at tutulungan kita." muling dinig ko na sya'ng dahilan para mapa-atras ako.

Lord.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon