59.

295 3 0
                                        

TAO AKO

Tao ako
Hindi ako bagay o kung ano
Tao ako
Na may damdamin at puso.

Tao ako
Na nasasaktan 'din
Tao ako
Na may damdamin.

Hindi ako perpekto
Nagkakamali, inaamin ko
Hindi ako Diyos dahil tao ako
Tao ako, pero bakit ganito?

Halos buong palagid
Sa akin ay nakamasid
Pagkakamali ay ibabatid
Nasasaktan ako ngunit hindi nila lingid.

Mga matang mapanghusga
Mga maling kwento ikakalat sa iba
Pag-uusapan na parang hindi ako nakikita
Mga masasama't-mapahusgang salita.

Tao ako
Hindi ako bingi o bulag
Tao ako
Na sa araw at gabi ay nababagabag.

Tao ako
Pero pakiramdam ko hindi
Pagkat ang nakikita ng lahat ay puro pagkakamali
Tao ako pero para sakanila hindi.

Masama ba ako?
Anong nagawa ko?
Bakit nila ako ginaganito?
Tao naman ako di'ba? Katulad nila.

Tao ako
Nagkakamali pero natuto
Tao ako
Hindi hayop na kung ituring nyo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon