101. WALANG PAMAGAT

215 1 0
                                        

WALANG PAMAGAT

Mahal, naaalala mo pa ba? Ang mga pinangako mo sa harap ng mga magulang ko? Naaalala mo 'rrin ba ang mga salitang binanggit mo 'nung pangatlong anibersaryo natin? Sinabi mo 'dun na gagawin mo ang lahat para lang hindi ako maagaw ng iba.

Nung sinabi mo 'yun, niyakap mo pa ako ng mahigpit
Paulit-ulit mong binulong sa'kin na hindi mo ako ipagpapalit
At sa buhok koʼy may pulang laso kang inipit
Kinuha mo rin ang palad ko at sa mga palad mo iyon ipinagdikit.

Nagtaka ako 'nun dahil bigla ka 'ding tumayo
At sinabi mong 'Maaari ko 'bang isayaw ang babaeng pinakamamahal ko?'
Hindi pa 'man ako , agad mo akong hinatak papalapit sa'yo
Ang dalawa mong kamay na pumulupot sa bewang ko at dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa leeg mo.

Ang tanging nagpapaingay sa ating paligid ay syang paborito nating kanta
Hindi mawala ang aking ngiti dahil nakikita ko ang saya sa iyong mga mata
Mariin mo akong hinalikan sa labi, napadilat ako dahil sa mahina mong pagtawa
Mabilis kitang niyakap ng mahigpit at binulong ang salitang 'mahal na mahal kita'.

Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi at kumalas sa iyong mga bisig
Ngunit bago ka'pa magsalita, mabilis ko ding itinapat ang aking hintuturo sa iyong bibig
Nginitian kita para pigilan ang mga mata mong unti-unti na namang nagtutubig
Napaiyakin mo talaga, saka tinawanan kita ngunit mabilis mo akong kinabig.

'Mahal, kalimutan mona ang lahat, wag lang ako ha?'
Yan ang salitang sinabi mo na syang sa akin ay tuluyang nagpaluha
Hindi kita maintindihan kung bakit parang ganyan ka nalang kung magsalita
Tumango nalang ako ng paulit-ulit, dahil wala naman talaga akong balak na kalimutan ka.

'Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko'
'Ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar, kasama ang pamilya ko't, pamilya mo'
'Ikaw ang gusto kong makasama sa bahay na aking ipapatayo'
Mariin akong pumikit ng mga oras na iyon dahil sa mga linya mong nagpapabilis ng pagtibok sa aking puso.

Ang araw na iyon ay ang araw na kailanman ay hindi ko gugustuhing makalimutan
Dahil ikaw ang natatanging lalaking pinapangarap ko ring pakasalan
Ikaw ang lalaking nais kong makasama at magiging haligi sa aking tahanan
Ikaw ang lalaking nais ko ring maging ama ng aking mga anak na syang bunga ng ating pagmamahalan.

Ngunit sa isang iglap, ikaw at ako ay pinaglaruan ng tadhanaʼt kapalaran
Tilaʼy nagbago ang lahat ng nakasanayan sa isang aksidenteng hindi ko inaasahan
Ang balita sa telibisyon na may dalawang sasakyan na syang nagkabungguan
At ang pulang sasakyan ay wasak habang ang nasa loob nito ay ikaw na duguan.

Mistulang parang nawalan ako ng buhay habang pinagmamasdan kang nakahiga
Dahil sa aksidenteng natamo, hindi kona maaninag ang mala-anghel mong mukha
'Mahal, dalawang buwan ka nang natutulog, gumising kana'
Pakiusap, igalaw mo ang mga daliri moʼt idilat ang iyong mga mata.

Ngayong dininggin ni Bathala ang aking kahilingang sana gumising ka
Hindi ko alam pero ang dating sabik sa akin ay mistulang dahang-dahang nabubura
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ang kaba sa aking dibdib ay hindi mawala-wala
Matapos mong sabihin sa harapan ko ang salitang 'sino ka?'

Paulit-ulit akong umiling, nagbibiro ka lang di'ba?
Ngunit mas lalo akong nanghina matapos mong sabihing 'pasensya kana pero hindi talaga kita kilala'
Tinitigan kita sa mga mata para malaman kung pakulo mo lang ito at balak lang akong isurpresa
Pero dumaan ang sampung minuto, wala akong makitang ekspresyon sa iyong mga mata.

Bumuhos ang lahat ng luha na nagmumula sa aking mga mata
Mabilis akong tumalikod sayo dahil nangingibabaw sayo ang pagtataka
Pagtataka na hindi ko maipaliwanang na syang dahilan para makaramdam ng kakaiibang kaba
Parang sirang plaka sa aking isipan at nagpayanig sa aking mundo ng sinabi mong 'sino ka?'

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon