UNANG LIGO SA ULAN
Naalala ko nung ako'y paslit pa
Naiinggit sa batang masaya
Subalit si Ina'y nagbiling pilit
Huwag gumaya't baka magkasakit.
Himutok ay pilit na itinago
Dah sa naunsiyaming pagligo
Napanga na lang sa bintana
Paulit-ulit ang buntong-hininga.Ngayon, nag-aaral sa kolehiyo
Paminsan-minsan naglalaro
Di rin maiwasan
Magkaroon ng kasintahan.Isang hapon na kasama ko sya
Ulan ay bigla nalang sumigwa
Tangan nya'y aking kamay
At sa ilalim ng buhos lumakad nang sabay.Sa biyaha ng ulan
Kagalaka'y walang kulang
Higit pa sa nagdaloy sa aking pisngi
Matamis nyang halik sa aki'y dumampi.
![](https://img.wattpad.com/cover/162477604-288-k212763.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)
PoëziePatuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat