Prolouge

1K 50 5
                                    


Buwan ng Oktubre, taong 2028.. nagsimulang sumiklab ang ikatlong digmaang pandaigdig.

Matapos mapatay ang Presidente ng America, nang sumabog ang eroplanong sinasakyan nito papunta sa China. Ibinintang ng gobyerno ng America ang trahedyang ito sa nasabing bansa. Mariing itinanggi ito ng gobyerno ng China subalit nanindigan ang America sa kanilang paratang at nagsimula ang kinatatakutang bangungot ng mga tao.

Sumuporta ang bansang India at UK sa USA, at sumuporta naman ang Pakistan at North Korea sa China. Hanggang sa nadawit na ang iba pang mga bansa. Kahit na walang pinanigan ang Pilipinas ay naipit pa din ito sa gera, na pinag-agawan ng America at China. Naging kakilakilabot ang digmaang iyon, umulan ng mga Nuclear Missile sa kalangitan na syang pumatay ng maraming buhay at sumira ng kalikasan.

Buwan ng Abril, taong 2029.. anim na buwan ang nakalipas nang magsimula ang digmaan.

Mapapansing tuluyan ng nasira ang daigdig, kaya nagpasya ang bawat pinuno ng mga bansa na itigil ang paggamit ng sandatang Nuclear. Halos umabot sa 6 na bilyon ang namatay sa digmaan, ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat.

Ang ENDEAVOR Corp. ay gumawa ng isang proyekto, na kung saan magagawa nilang makapagbenta ng sandata na magagamit ng isang bansa laban sa kanyang kaaway, ang PROJECT MARIONETTE.

Isang andriod na may kakayahang mag-isip at magdesisyon tulad ng tao at kayang lumaban mag-isa sa buong hukbo ng sundalo ng isang bansa. Subalit makalipas ang isang taon ay napag-alaman nila ang panganib ng proyektong ito dahil sa pagkakaroon ng sariling pag-iisip ng mga andriod.

Pinasya nilang ipatigil ito at pinalitan ng bagong proyekto na tinawag nilang DOLL Project.

Ang mga bagong andriod sa proyektong ito ay mas sinang-ayunan ng maraming bansa, dahil kumikilos lang ang andriod ayon sa nakaprogram sa kanya. Nagpatuloy ang digmaan ng mga bansa gamit ang mga andriod ngunit hindi din ito nagtagal.

Tatlong taon ang lumipas ng magsimula ang digmaan ay bigla nalang itong natigil. Walang nanalo sa digmaan at nalugmok sa kahirapan ang buong mundo. Nagpalit ng pangalan ang ENDEAVOR Corp. bilang DOLL Corp. at ang mga sumunod na manikang ginagawa nila ay hindi na para sa digmaan, kundi para sa pagtulong sa pagbangon ng bawat bansa.

Subalit isang misyon ang ginawa ng DOLL Corp. bago sila tuluyang magpalit ng pangalan, yun ay ang pagwasak sa anim sa natitirang sampung manika na kanilang ginawa sa ilalim ng PROJECT MARIONETTE.

✴✴✴

Isang manika ang tumatakbo akay-akay ang isa pang manika at nagtago sila sa likod ng isang malaking bato malapit sa bangin. Mapapansin na ang isang manika ay putol na ang katawan, at natitira nalang sa kanya ay ang ulo hanggang tyan.

"Chervil! Huwag kang mag-alala.. kapag nakatakas tayo dito.. aayusin natin ang nasirang parte ng katawan mo.."

"Thyme.. makinig ka.. kailangan mo ng tumakas mag-isa.."

"Huh? Ano bang sinasabi mo!? dalawa tayong tatakas dito.."

"Hindi.. lalo ka lang nilang mahuhuli kung isasama mo pa ko.. huwag kang mag-alala.. ako ng bahala sa kanila.."

"Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama!"

May inilabas ang isang manika mula sa kanyang dibdib, isang nagliliwanag na bagay.

"Anong ginagawa mo!? Sinabi ng hindi kita iiwan dito!"

"Thyme.. pakiusap hayaan mong gawin ko ang bagay na ito.. para sa nag-iisa kong kapatid.."

"Ginawa tayong espesyal.. kaya mabuhay ka bilang isang espesyal na manika.. pagkatapos ng digmaang ito.. mabuhay ka na parang tao.. maging masaya ka.. magkaroon ng kaibigan.. magkaroon ng bagong pamilya.. at higit sa lahat.. maghanap ka ng bagay o taong mamahalin mo habang-buhay.."

"Tumigil ka na! Hindi kita iiwan!"

"Hindi ako naging mabuting kapatid sayo.. kaya sa huling pagkakataon.. gusto kong gawin ang dapat na ginagawa ng isang ate.. at yun ay ang protektahan ang nakababatang nyang kapatid.."

"Nakikinig ka ba!? Sinabi kong tumigil ka na!"

"Thyme.. simula ngayon pahalagahan mo na ang buhay ng bawat nilalang sa mundo.. huwag ka ng papatay.."

Mula sa itaas ng himpapawid ay may ilaw na nagbigay liwanag sa kinaroroonan nila. Buong lakas na itinulak ng isang manika ang kanyang kasama at nahulog ito sa malalim na bangin.

"Anong?...... Chervil!!!"

"Paalam kapatid ko.."

Kumislap ng mabilis ang bagay na nakalabas sa dibdib ng naiwang manika at tuluyan itong sumabog. Halos kasing lakas ng isang atomic bomb ang naging pagsabog at nadamay pa din ang manikang nahulog sa bangin.

Naubos din ang ibang manika na humahabol sa kanila. Natapos din ang digmaan.. ang bangungot ng mga tao ay nagwakas na at nagsisimula na muling bumangon ng mundo.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon