Magkakasamang naglalakad ang magkakaibigan na sila Thyme, Claire, Marco, Romel, Carol, at ang kapatid nito na si Grace na tulak-tulak nya sa wheelchair, papunta sa tinatawag ng mga tao na lugar ng buhay para mamasyal.
Nasa lugar na sila na kung saan makikita ang mga luma at sirang bahay na napag-iwanan ng panahon.
"Sigurado ka bang ligtas puntahan ang lugar na yun?" tanong ni Marco sa kaibigan na kasabay nyang naglalakad habang nasa likuran naman nila ang mga babae.
"Huwag kang mag-alala.. palagi akong nagpupunta dun dati.. kaya alam kong ligtas naman ang lugar na yun.." tugon naman ni Romel.
Tumahimik nalang si Marco nang marinig ang sinabi ng kaibigan habang tila balisa naman ang dalawang dalaga sa likod.
"Claire.. siguro naman makakapagtapat ka na ngayon sa kanya.." bulong ni Carol sa dalagang katabi nya.
"Huh? Ano.. hindi ko alam eh.. susubukan ko.." kinakabahang sagot naman ni Claire.
Maya-maya ay dumikit din sa Thyme sa dalaga para kausapin ito.
"Claire.. bakit ganun.. ang lakas ng paggalaw ng bagay sa dibdib ko.." mahinang sabi ng manika.
"Huh? Ano.. siguro kasi.. nasasabik ka lang sa sasabihin mo sa kanya.." natatarantang tugon ng dalaga.
"Hm? Anong sasabihin ni Thyme? Huwag mong sabihing meron din syang pagtatapatan ng nararamdaman?.." tanong naman ni Carol.
Bigla namang namula ang mukha ni Thyme at napalayo sa dalaga dahil sa hiya.
"Ah eh.. oo.. may nararamdaman kasi sya para kay Romel.." sagot ni Claire.
"Ohhh!? Talaga? Hihihi.. nakakatuwa toh.. good luck sa inyo.. alam kong magiging masaya ang araw na toh para sa inyo.." masayang tugon naman ni Carol.
Hindi naman na kumibo pa ang tatlo at ilang sandali lang ay nakapasok na sila sa kagubatan. Namangha ang lahat sa mga nakikita nila sa kapaligiran, mga iba't-ibang uri ng puno at halaman na doon lang nila nakita.
"A-ang g-ganda.." wika ni Grace na matagal na nakulong sa loob ng ospital.
Napahinto naman si Carol sa pagtutulak ng wheelchair nang marinig ang kanyang kapatid.
"Natutuwa ako at nagustuhan mo dito ate.." nangingiting sabi nito.
Tumango lang si Grace habang may tinititigan sa taas ng isang puno na nasa harap nila.
Napatingin din si Carol sa pinagmamasdan ng kanyang kapatid at ganun din sila Claire at Thyme.
Nakita nila ang dalawang kulay asul na ibon na tila nag-aagawan sa isang pagkain.
Nanlaki naman ang mga mata ni Thyme at lalong namangha sa nakita habang hindi nya namamalayan na nakanganga na ang kanyang bibig.
Napahinto naman ang dalawang lalaki sa unahan nang maramdaman nalang tumigil ang nasa likuran nila sa paglalakad. Nakita nila na may tinitignan ang mga ito sa itaas ng puno at napatingala din sila.
Eksakto namang nagdumi ang isang ibon at nahulog ito sa mukha ni Marco.
"Ah! Ano yun!?" gulat na sabi ng binata habang tinatanggal ang nahulog sa kanyang mukha.
"Hahaha.. dumi ng ibon.." natatawa namang sabi ni Romel.
"Hah!? Kadiri!" inis na tugon ni Marco at kumuha ito ng maliit na towel sa bag na dala at ipinunas sa mukha.
"Hahahaha!"
Bigla ding natawa ang dalawang dalaga at napangiti din si Grace habang si Thyme ay napatingin sa mga ito at nagtataka sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...