Stage 2 : Step 6

170 15 1
                                    

Maagang nagising si Claire para maghanda sa pagpasok sa trabaho at bago sya umalis ng bahay ay napansin nyang hindi pa din lumalabas ng kwarto si Thyme.

Kinatok ng dalaga ang silid nito subalit hindi sya pinagbuksan o sinagot man lang ng manika.

Nag-aalala si Claire kaya sinubukan nyang buksan ang pinto at napansin nyang hindi ito nakalock. Pumasok naman sa kwarto ang dalaga para alamin ang nangyari sa manika.

"Thyme.. gising ka na ba? Hindi ka ba papasok?" tanong ni Claire at nakita nyang nakatulala ang manika habang nakahiga sa kama.

Mula sa pagkakatitig sa kisame ay napasulyap si Thyme sa dalaga at pag-iling lang ng ulo ang isinagot nito.

Napansin ni Claire na malungkot pa din ang manika dahil sa pagkamatay ni Joel kaya hinayaan na muna nya ito.

"Ganun ba.. sige.. aalis na ko.. kung gusto mong kumain.. may niluto akong pagkain.." wika nito at lumabas na sya ng kwarto.

Hindi naman kumibo si Thyme at patuloy lang itong nakatitig sa kisame habang nakahiga.

Nagtungo muna sa bahay ni Marco ang dalaga para makasabay ito sa pagpasok sa trabaho.

"Oh.. hindi mo ulit kasama si Thyme?" tanong ng binata nang pagbuksan nito ng pinto si Claire.

"Naiwan sya sa bahay.. hanggang ngayon nagluluksa pa din sya.." malungkot na sagot naman ng dalaga.

"Ganun ba?" tugon ni Marco at lumabas na ito saka sinara ang pinto.

Habang naglalakad sila ay napansin ng binata ang katahimikan kaya sinimulan nitong magsalita.

"Alam mo hindi pwedeng ganun nalang si Thyme.. kailangan nyang matanggap na hanggang dun nalang talaga buhay ng matanda.." wika ni Marco.

"Sa ngayon pabayaan nalang muna natin sya.." malungkot na tugon naman ni Claire.

"Yung nangyari sa Papa nya na si Dr. Calf.. natanggap nya.. yung sa mga kaibigan at ate nya na naging manika din.. natanggap nya.. tapos dun sa matandang yun na hindi nya kaano-ano.. nahihirapan syang tanggapin.." sabi naman ni Marco.

Nagsalubong ang kilay ni Claire sa narinig at tinignan nito ng masama ang binata.

"Alam mo ang insensitive mo! Syempre pinaghirapan nyang maging masaya ulit si Mang Joel.. tapos bigla nalang itong papanaw!" sigaw ng dalaga.

"Kung ikaw ba may pinaghirapan kang isang bagay! Tapos sa isang iglap nawala ito! Hindi ka ba masasaktan!?" galit na dugtong ni Claire.

Hindi agad nakasagot ang binata sa sumbat sa kanya at nahiya itong tumingin sa dalaga.

"Pasensya na.. nag-aalala lang ako sa kanya.." malungkot sa tugon ni Marco.

"Hmp! Siguro imatture pa sya ngayon.. pero matatanggap nya din at mauunawaan ang mga bagay sa mundong ito.. kaya magtiwala ka lang sa kanya.." inis na sabi naman ni Claire at binilisan nya ang kanyang paglalakad.

Natahimik nalang din si Marco at hindi na pinilit sabayan ang dalaga hanggang makarating ito sa pinagtatrabahuan.

***

Bago magtanghalian ay pinuntahan ni Romel si Thyme sa bahay ni Claire.

*Tok *tok

"Thyme nandiyan ka ba?" wika ni Romel habang kinakatok nito ang pinto.

Narinig ng manika ang boses ng taong nasa labas ng bahay subalit hindi sya nag-abalang kumilos at nanatiling nakahiga sa kama at nakatulala ito.

"Thyme.. ako ito.. si Romel.." muling sabi ng binata.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon