Nakahiwalay na naglakbay ang bravo unit sa alpha unit at LP Shirley. Ang bravo unit ay nagtungo sa timog silangan samantalang ang alpha unit ay nagpunta sa hilagang silangan kasama ang kanilang warship.
Nakaangat ng dalawampung talampakan sa lupa ang LP Shirley habang dahan-dahan itong umaabante kasama ng mga templar at manika ng alpha unit.
"Ihanda nyo ang cloak mode nyo.. bibigyan ko kayo ng signal kapag iaactivate nyo na ito.." wika ni Lt. Rivera habang nakasakay sya sa isang templar.
"Roger!!" sabay-sabay na sagot naman ng mga sundalo na nakasakay din sa kanya-kanyang templar.
Samantalang nasa Bridge (nautical) naman si Captain Diadem kasama ang ibang tauhan nya na nagkokontrol at nagpapatakbo ng LP Shirley.
"Gaano nalang tayo kalayo sa command center?" tanong ni Diadem.
"Limang kilometro nalang po kapitan.." sagot ng isa sa mga tao sa bridge.
"Sige.. i-activate na ang cloak mode.. at ang stealth mode.." malakas na sabi ng kapitan.
"Activating invisibility system.." wika ng isang babae at makikitang unti-unting naglaho ang warship.
"Cloak mode activated.." dugtong nito.
"Activating anti-radar system.. stealth mode activated.." wika naman ng isang lalaki na nasa loob din ng bridge.
Napansin naman ng alpha unit ang ginawa ng warship subalit nagpatuloy lang sila sa paglalakbay at sinunod lang nila ang kanilang plano.
"Lt. Rivera tatlong kilometro nalang po ang layo natin sa command center.." sabi ng isang sundalo sa radyo matapos ng ilang minuto.
"Copy.. activate cloak mode.." utos naman ni Lt. Gary Rivera.
Halos magkakasunod namang naglaho ang mga templar at manika sa gitna ng disyerto matapos ang sinabi ng tenyente.
"Marco.. naririnig mo ba ko?" tanong ng isang lalaki na nagsalita sa radyo.
"Oo Shin.. bakit may problema ba?.." balik na tanong naman ni Marco.
"Wala naman.. kinakabahan lang talaga ako ngayon.." sagot ni Shin.
"Ahh ganun ba.. hindi lang ikaw ang kinakabahan.. lahat naman ng misyon natin nakakakaba talaga eh.." tugon ni Marco.
"Pero.. iba pa din ngayon.. kumpara sa mga naunang misyon natin.." sabi ni Shin.
"Huwag kang mag-alala.. makakabalik tayo ng buhay.." wika ni Marco.
"Kung gusto nyong makabalik ng buhay.. magfocus kayo sa misyon.. itigil nyo ang pagtsitsismisan.." biglang sabat naman ni Lt. Rivera sa radyo.
"Sorry po!" agad namang sagot ng dalawa.
Isang kilometro nalang ang layo ng LP Shirley sa Command Center nang mapagpasyahan nilang huminto.
"Kapitan nandito na po tayo sa destinasyon natin.." wika ng isang babae na nasa bridge.
Tahimik namang nakatitig si Capt. Diadem sa malaking salamin, kung saan makikita sa labas ang base ng kalaban nila at ang tatlong warship na nagbabantay dito.
Pinagpawisan ng malamig si Diadem at kinakabahan habang malalim ang iniisip.
"Captain Diadem.." muling sabi ng babae na nag-aantay ng hudyat ng kapitan.
Natauhan naman si Diadem at nakita nyang nakatingin sa kanya ang lahat ng mga tao sa loob ng bridge.
"Sige.. ihanda ang Charge Particle Cannon! Humanda sa pagsalakay!" utos nito.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...