Stage 4 : Mission 2

127 13 1
                                    

Naghanda si Shiela nang magagamit na sasakyan nila Thyme at Garlic sa pagpunta sa Washington para sa kanilang magiging huling misyon. Dinala nya ang dalawa sa isang malaking warehouse na kung saan nakalagay ang iba't-ibang sasakyan sa pandigma.

Habang naglalakad sa loob ng warehouse ay huminto si Shiela sa tapat ng isang kulay dilaw na sasakyan na itsurang yate.

"Maari nyo itong gamitin.." wika ni Shiela sa dalawa.

Namangha naman si Thyme at Garlic sa itsura ng sasakyan, ganun din sila Marco at Romel na kasama nila.

"Wow.. para hi-tech na yate yan ah.." sabi naman ni Marco.

"Hindi ba pantubig lang ang isang yan?" tanong ni Garlic.

"Ah.. pwede din sya sa lupa.. lumulutang ito nang isang metro mula sa lupa kapag pinagana mo na.." sagot ni Shiela.

"Ooohh.. maganda nga na gamitin natin yan.." natutuwang sabi naman ni Thyme.

"Teka.. sigurado na ba kayo? Bakit hindi nyo nalang kasi antayin ang paglusob natin sa Doll Corp.." tanong ni Marco.

"Uhm.. hindi namin pwedeng hayaang matuloy ang huling digmaan na yun.. masyadong marami ang masasawi dun.." tugon ni Thyme.

"Pero.. delikado kung dalawa lang kayo.." nag-aalalang sabi ni Marco.

"Hmp! Baka nakakalimutan mo kung anong kaya naming gawin.." inis na sabi naman ni Garlic.

Hindi naman nakaimik ang binata sa kanyang narinig at napatapik sa balikat nya ang kanyang kaibigan.

"Mas maganda kung magtiwala nalang tayo sa kanila.. tama naman si Thyme madami ang masasawi kung matuloy ang huling sagupaan nyo sa Doll Corp." wika ni Romel.

"Pero.. paano kung.." nag-aalangan na sabi ni Marco.

"Huwag kang mag-alala.. babalik kami.. at sisiguraduhin kong magtatagumpay kami sa plano namin.." nakangiting sabi naman ni Thyme.

"Sya nga pala.. hindi ba kayo magpapaalam sa dalawang bata.." bigla namang wika ni Shiela.

"Oo nga noh.. nasaan nga pala sila?" tanong ni Thyme.

"Nakita ko silang naglalaro ng habulan kanina eh.." sagot ni Romel.

"Naku naman.. hindi naman playground dito eh.. baka kung mapano ang mga yun.." wika ni Marco.

"Mas maganda kung makapagpaalam ka muna sa kanila.. hanapin nalang muna natin.." mungkahi naman ni Garlic.

"Oo sige.. baka magtampo sakin ang mga yun.." sang-ayon ni Thyme.

Magkakasabay namang lumabas ng warehouse ang magkakaibigan para hanapin ang dalawang bata.


***

Samantala naglalaro naman sila Yumi at Nico sa isang lumang power plant malayo sa base militar.

"Yumi.. delikado dito.. masyado na tayong malayo sa base.. bumalik na tayo.." nababahalang sabi ni Nico sa kapatid.

"Ang duwag mo naman kuya.. gusto ko lang makita ang loob nito.." sagot ni Yumi at pilit na pumasok sa sirang pintuan ng planta.

"Yumi.. tsk.. kapag tayo napagalitan.." inis na tugon ni Nico at sumunod din ito sa batang babae.

"Wooow! Ang laki pala talaga nito.." namamanghang sabi ni Yumi nang makita nya ang maluwag na loob ng power plant.

Nang makapasok ang din ang binatilyo sa loob ay bigla namang tumakbo ang batang babae sa isang kwarto.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon