Stage 1 : Phase 7

311 24 1
                                    

Nagising si Thyme sa loob ng isang sira-sirang gusali. Bumangon ang manika at sa tapat nya ay nakita nya ang isang babaeng may yellowgreen na buhok na sumisilip sa isang bintana ng gusali.

"Chervil.. anong nangyari?" tanong ni Thyme.

Lumingon sa kanya ang manikang may yellowgreen na buhok nang marinig sya nito.

"Thyme.. gising ka na pala.. nawalan tayo ng malay.. matapos mabura ng brain system natin ang in-override na program satin.." wika ni Chervil.

"In-override ang sytem natin? Kailan pa? Gaano katagal?" gulat na tanong ni Thyme.

"Hindi ko alam gaano na katagal.. pero sa tingin ko noong hinostage nila si Dr. Calf at dineactivate tayo.. dun nila in-override ang system natin.." sagot ni Chervil.

Napaisip naman si Thyme sa narinig at nag-alala.

"Anong nangyari sa iba? Si Catnip, Chives, Mint, Basil, Garlic at yung iba pa?" tanong ni Thyme habang nanlalaki ang mata.

Biglang nalungkot ang mukha ni Chervil at hindi agad ito nakapagsalita.

"Wala na sila.. si Garlic at Mint nalang ang nanatiling naka-override ang system.. sila din ang nagwasak sa iba.." malungkot na tugon ni Chervil.

Nagulat si Thyme sa narinig at halos hindi ito makapaniwala sa nangyari.

"Hindi maaari.. anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Thyme.

Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Chervil at kinausap nito ang kasama.

"Thyme makinig ka.. sinusundan nila tayo.. kailangan muna nating magtago.. at kapag natapos ang digmaang ito.. mamumuhay tayo na tulad ng tao.. katulad ng sinabi satin ni Dr. Calf.. ginawa tayo para magpatuloy na maging masaya sa mundong ito.." paliwanag ni Chervil.

Nalungkot ang mukha ni Thyme at naguguluhan pa din sa nangyayari.

"Paano tayo magiging masaya?.. kung wala na sila.." malungkot na tugon ni Thyme.

"Nandito pa naman ako.. basta sundin lang natin ang sinabi satin ni Dr. Calf.. kung bakit nya tayo ginawa.. ang protektahan ang kapayapaan ng mundong ito.. ang pahalagahan ang buhay ng bawat nilalang.." wika ni Chervil. 

Napangiti si Thyme sa narinig at tumango ang ulo nya bilang pagsang-ayon. Biglang nalang sumabog ang bahagi ng gusaling kinaroroonan ng dalawa. 

***

Dahan-dahang nagmulat ang mata ng manika at nasilaw ito sa liwanag na nagmumula sa bintana. 

"Good morning.." wika ng isang babae. 

Napatingin si Thyme sa babaeng nasa harapan nya at nakita nyang nakangiti sa kanya si Claire. Humikab at uminat muna ang manika bago ito tumayo. 

"Good morning.." bati ni Thyme sa dalaga matapos nyang bumangon. 

Napatingin ito sa may sala at nakita nito si Marco na nakahanda nang pumasok sa trabaho. 

"Dumaan kayo mamaya.. sa pabrika.. pinapupunta tayo ni Romel sa tinitirahan nya.." wika ni Marco at nagtungo na ito sa pinto. 

"Mamayang alas singko dumaan ka nalang sa food cafe na pinagtatrabahuan ko.. antayin mo ko sa labas.." sabi naman ni Claire at saka ito sumunod sa binata palabas ng bahay.

Naguluhan naman ang manika sa sinabi ng dalawa at nagtataka sya kung bakit kailangan nilang puntahan si Romel. Naglinis ng bahay si Thyme habang nag-aantay ng oras. Bago mag-alas singko ng hapon ay nagtungo na sya agad sa pinagtatrabahuan ni Claire.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon